CHAPTER 16

ELLE's POV

After three days. Umalis na si Gian. Hindi ko na siya hinatid sa airport dahil makikita ako ng barkada. Nandito ako ngayon sa condo ni Gian. Akin na daw >:) Yaman ng loko! Pamigay migay na lang ng condo!

Nagtratrabaho din ako dito sa restaurant malapit sa condo. Kilala ni Gian ang may ari kaya natanggap agad ako.

"Elle!"

"Po?"

"Isang lomi daw para sa pangalawang table."

"Lomi?! Nagtitinda ba tayo ng Lomi, teh?"

Ayun si Ate Ising. Geraldine tlga ang pangalan niya. Pero mas astig daw kung ising ang itatawag namin sakanya. Kasi.. May G naman daw.

26 years old. May ari nitong restaurant. Mabait yan. Palagi akong may takeout diyan :)

"Ewan ko ba dun sa batang yun. Me sayad! Kaso.. Gwapo. Kaya pagbigyan na natin."

Lah! Si Ate! Nadala na naman ng gwapo! Nabanggit ko na ba na biased yan sa gwapo?! Lagi may discount!

Anyways. Tong si Ate tanggap ng tanggap ng order! Di pa man din ako marunong gumawa ng lomi. Paano ba to.

Ay bahala na. Basta medyo sticky ba? O may sabaw? O wala? Ay bahala ying customer na yun! Malason siya.

Pagkatapos mg madugong pakikipagtuos sa kalan andito ako ngayon at iseserve ko na ang aking LOMI kay gwapong customer sa table no.2!

"Sir. Lomi niyo po." di ko makita mukha! Nagbabasa kasi ng dyaryo eh!

Sus. Chuchupi na nga lang ako! Nilapag ko na yung Lomi tapos umalis na.

"LOMI BA TO?! Parang--Parang Kaning Baboy!"

O_____O!!!!! ANUDEEEEW?!

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!