CHAPTER 9

ELLE'S POV

"LISAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Sumigaw si Lolo. Sa pagsigaw niya. Napatigil ako.

Bumalik lahat.

Para akong bumalik sa kahapon..

Parang noong isang taon.

"BAKIT?! BAKIT MO AKO INIWAN?! LISA! GUMISING KA DIYAN! SABI MO MAGTATANIM TAYO SA BAKURAN? SABI MO MAGSISIMBA TAYO NG SABAY! SABI MO MAMAYA MATUTULOG KA NA AKO ANG NASA TABI MO. LISAAAAAAAAA. GUMISING KA DIYAN."

Kita ko yung iba naming kapitbahay umiiyak na din.

Wala na si Lola.

*Plok*

Isang patak ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Bakit?

Bakit nawala si Lola? Kung kailan naman gusto ko siyang pasalamatan. Nagluto pa ako at gumising ng maaga para lang mapasalamatan siya..

Bakit? Sabihin niyo nga sa akin kung bakit?!

Bakit lahat ng taong mahal ko o mapapalapit sa akin kinukuha sa akin? Ano bang nagawa kong kasalanan?! Bakit ganoon?! Wala na ba akong karapatang magmahal?!

Umalis ako sa bahay. Nagpunta ako sa bakanteng lote malapit sa bahay. Maraming puno ang nakatanim doon, at maraming ring bulaklak. Lahat ng tao dito inaalagaan itong loteng ito.

Hindi ko alam, sobrang bigat ng pakiramdam ko, kaya doon na lang ako umiyak ng umiyak. Wala namang makakarinig, wala namang makakakita, wala namang makakaalam--

"Ano bang problema mo at iyak ka ng iyak?"

O__________O

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!