CHAPTER 41

CHANEL'S POV    

Nakita ko pinapat ni Yohann sa balikat si Anika. :|    

Tingnan mo yun, ang playboy. Ang bait talaga sa ibang gurls, tapos sa akin nagsusungit? :|

 Kamukha na nga ni Kean may balak pang maging kasing kaugali ni Kean.  

Tapos magagalit na naman siya kasi kinocompare ko siya kay Kean?! Aaah! Ang sakit niya sa ulo!  

"Uy!"

"Ay.. Oh?"

"Nakatulala ka diyan! Barbecue?"

"Ayoko."

"Wow, marunong na siyang umayaw sa pagkain."

"Ang sama mo Gian! Teka nga.. How are you na pala?"

"Ayos naman."

"New Girl?"

"Wala pa rin. Wala pa ring makapantay sayo eh."

"Ganun? :|"  

Tapos tumawa na lang kami at inexcuse niya ang sarili niya. Iniiwasan na namin ang ganitong usapan. Naiilang ako, nasasaktan siya. :|  

Nagstay na lang ako kasama sina Cass, Ivy, Ria at Bianca. Yung apat na yun masasaya na sila sa mga boyfriends nila.

Pero nakisali pa din ako! Inexcuse ko muna ang sarili ko sa C.R pero sa may likod ng bahay ni Gian sa may pool nakita ko si Yohann at Gian.. Mukhang naguusap.  

"So, ikaw pala si Yohann."

"Ako nga."

"Paano kayo nagkakilala ni Chanel?"

"Long story."

"Then make it short :)"  

Lagi talagang nakangiti tong si Gian. Laging calm. Nakakatuwang isipin na hindi pa rin siya nagbabago.  

"Well, I was walking sa Makati then may nakita ako na odd looking guy with a girl. Pumasok sila sa madilim na part at alam kong may mali doon kaya sinundan ko sila. Hindi ko alam kung ano gagawin until marinig ko sumigaw na yung babae which is  Elle--Chanel. Then niligtas ko. Nagstay sila sa bahay ko for more than two weeks then nalaman ko na schoolmate kami. Naging close up to the point na nanligaw na ako, pero sa huli.. Si Dylan ang pinili niya."  

Sana that time hindi na lang ako pumili. Nasaktan at may nasaktan lang ako. :|  

"Kung ganoon, you.. Like her?"

"Yeah."

"So.. You're courting her now? That's why you're here?"

"Hindi. Ayoko na nga sanang mapalapit pa sakanya. Ginagawa ko talaga lahat para iwasan siya, pero.. Ewan."

"Parehas pala tayo ngayon pre."

"Huh?"

"Sinusubukan ko na din iwasan si Chanel. Para.. Di na mainlove."

"Ah. Parehas nga tayo."  

O___O

Nagkasundo sila?! :|  

"Mahal mo pa din siya? Ex mo na diba?"

"Mula 8 years old ako, siya lang ang babaeng minahal ko. Mula 8.. At sa isang iglap, sa isang maling desisyon.. Nawala lahat.Pati babaeng pinakamamahal ko."  

Naalala ko pa din lahat sa amin ni Gian.

First date. First kiss. First monthsary. First Anniversary. Prom and Grad Ball King and Queen. Lahat. Sobrang daming nangyari sa aming dalawa.

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!