Kabanata 23: Libing

Start from the beginning
                                    

"Scion, alam kong mali siya pero may tamang proseso para pagsisihan niya ang kamalian niya. Hindi siya dapat mamatay at pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit nangyari 'yon. Kaya gusto kong humingi ng tawad sa kanya ng personal, sa huling araw ng burol niya."

Umiling siya habang kinakagat ang mga labi niya, "Hindi talaga kita maintindihan. Masyado kang mabait kaya ka napapahamak. Dapat lang naman talaga sa tao na 'yon ang mamatay dahil iyon ang kapalit ng kasalanan niya."

Inintindi ko na lang kung saan nanggagaling si Scion. Nakita niya kung paano naging miserable ang buhay ng nila dahil sa ginawang panggagahasa ng tatay niya sa nanay niya.

"Kung ayaw mo akong samahan, ayos lang. Mauna ka na lang sa bahay," sambit ko.

"Tsk, pambihira talaga. Dalian na natin, gusto mo ng umuwi."

Umiling ako habang nakangisi. Hindi rin pala niya akong kayang iwan mag-isa.

***

Hindi naman kalayuan ang bahay niya kaya nakarating kami agad doon. Maliit lang ang bahay nila at halatang naghihirap sila.

Nakita ko sa malayo ang sa tingin ko ay asawa ni kuyang driver. Iyak pa rin siya nang iyak habang nakatayo sa harapan ng kabaong ng asawa niya. Sa tabi naman niya ay may batang lalaki na nakatulala kung saan pero maya-maya at napatingin siya sa amin ni Scion.

"Nanay, may tao sa labas," kalabit niya sa babae. "Mukhang nandito sila para kay tatay."

Huminto siya sa pag-iyak ng makita niya kami. Namumula nang husto ang mata ng babae. Nakakunot siyang pumunta sa amin at nagulat ako dahil hinila niya ang buhok ko pababa. Nakaramdam agad ako ng sakit sa anit ko.

"Hayop ka! Ikaw siguro 'yong kabit ng asawa ko! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito!"

Wala akong makita dahil sa pagkakasabunot niya sa akin. Pilit kong hinahawakan ang kamay niya para maialis 'yon sa buhok ko pero malakas ang pagkakahawak niya.

"Lapastangan!" Sigaw ni Scion.

Nawala bigla ang pagkakahawak sa akin. Inangat ko agad ang ulo ko para tignan ang babae dahil baka mamaya nasaktan siya ni Scion pero mukhang hindi naman.

"Hindi siya kabit ng asawa mo dahil girlfriend ko siya. Naging pasahero siya ng asawa mo kaya nandito kami para dumalaw."

Napanganga ang babae habang dahan-dahang napaupo sa kinakatayuan niya. Nagsimula na naman siyang maiyak.

"Patawarin mo ako, akala ko kasi ikaw 'yong pinaghihinalaan kong kabit niya. Nababaliw na ata talaga ako dahil sa pagkawala ng asawa ko," humagulgol na siya sa pag-iyak.

Lalapit sana ako sa kanya pero hinawakan ni Scion ang kamay ko.

Ito na naman ang kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Nahihibang ka na naman! Lalapit ka sa taong nanakit pa lang sa'yo?"

Hinawi ko ang kamay niya, "Hindi niya sinasadya ang ginawa niya. Kailangan niya ng comfort. Scion intindihin mo naman siya, namatayan siya."

Nilapitan ko ang babae at itinayo ko siya. Niyakap ko siya habang hinihimas ang likuran niya. Ganito ang ginagawa sa akin ni Lola sa tuwing umiiyak ako at agad naman akong nagiging okay.

Nakita ko ang anak niya na natingin sa akin at nakangiti nang bahagya.

"Pasensya na talaga, miss. Hindi ko sinasadya na masaktan ka. Nadala lang ako ng damdamin ko kaya ko 'yon nagawa."

"Ayos lang po, h'wag niyo na 'yon isipin."

Sinamahan niya kami papunta sa kabaong ng asawa niya na ang pangalan pala ay Roberto. At siya ay si Angela. Mabait naman daw ang asawa niya pero talagang mahilig ito sa babae. Masyado rin daw kasi siyang busy sa paglalabada kaya hindi na niya na aasikaso ang asawa at anak niya.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now