CH.55 His Decision

Start from the beginning
                                    

Narinig ni Angela na may tumawag sa pangalan niya, kahit hindi niya nakikita'y alam niya kung kanino ang boses na 'yon. "Bryle!?" wika niya.

"BRYLE!!!" sigaw din nito.

Tinanggalan siya ng piring ng mga ng mga may hawak sakanya bagamat nakagapos parin ang mga kamay nito habang hawak ng mga tauhan ni Mr.Oxford.

"ANGELA!!!" narinig din niya ang sigaw ni Shan.

"Nagustuhan mo ba ang supresa ko sayo?" mapang-asar na sabi ni Mr.Oxford sakanya.

"Hayop ka! Kung gusto mo ako patayin, patayin mo na 'ko, 'wag mo na idamay ang mga kaibigan ko." matapang at galit na sabi nito sa taong may kagagawan ng lahat ng paghihirap niya ngayon.

"E sumama sila dito e, so damay na sila." balik nito sakanya.

Muli niyang tinignan ang mga kaibigan at si Bryle. Gustong-gusto niya na ngayon puntahan ang kanyang asawa at ganun din si Bryle, hindi niya alam kung kaya niya pang pigilan ang sarili niya na halikan at yakapin ng mahigpit si Angela pero alam nilang dalawa na malabo pa iyong mangyari dahil mayroon pang balakid sa pagitan nilang dalawa.

"Bryle, umalis na kayo...iwan niyo na 'ko dito." pakiusap ni Angela kay Bryle pero umiling ito, nagpunta siya dito para iligtas siya kaya hinding hindi niya gagawin ang hinihiling nito. Aalis lang siya kung kasama niya na ito.

"Bryle, please...umalis na kayo. Ako lang gusto niya, umalis na kayo...ayoko na kayong madamay pa dito." muling pakiusap ni Angela, umiiyak na siya ngayon sa harap nilang lahat pero wala itong epekto sa kanila, buo at sarado na ang isip nila na hamunin ang panganib na dala ng pagsasalba ng mga ito sakanya.

"Hindi kami aalis dito ng hindi ka kasama, Angela." sabi ng kaibigan nito na si Shan.

"Masaktan na kung masaktan, mamatay kung mamatay pero hindi ka namin iiwan dito." Blaze.

"Ikaw ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon at hindi biro ang pinagdaanan namin para mahanap ka." dagdag pa ni Blood.

"At hindi namin sasayangin ang pagkakataon na ito, Angela." huling nagsalita si Wayne.

Kumpleto lahat ng mga kaibigan niya. Nandito silang lahat para sakanya, gusto niya man matuwa ay hindi niya magawa dahil kapalit no'n ay kapahamakan sa bawat isa sa kanila, hindi niya kailanman matatanggap kung isa sa mga ito ay mapahamak dahil sa pagsasalba sakanya.

"OKAY! OKAY! I think that's enough!!! Let's stop the drama." muling pumagitna ang lalaking naging ugat ng lahat.

"Ano ba talagang gusto mo, dad. Mahal ko si Angela, bakit hindi mo nalang kami hayaan dalawa? Hindi pa ba sapat na pinaghiwalay mo kami dati?" sabi ni Bryle sakanyang ama.

"Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng ito kung sapat na lahat ng nagawa ko para paghiwalayin kayo, e hanggang ngayon nga magkasama parin kayo kaya ang gagawin ko simple lang." Mr.Oxford.

Palaisipan para sa lahat ang sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi parin malinaw sakanila ang nais nitong mangyari.

"A-anong ibig mo sabihin!?" tanong ni Bryle sa ama.

"I mean, walang mangyayari dahas, hindi dadanak ang dugo, walang mamamatay at masasaktan, simple lang 'di ba pero sa isang kundisyon." huminto ito saglit, alam nitong mapapaisip ang mga ito sa sasabihin niya.

Umaayon ang lahat sa kanyang plano at ngayon ay isinasabuhay niya na ang lahat ng ito. Nagawa niya na ito dati at kumpiyansa siya na muli niya itong magagawa, ngunit sa pagkakataon ito'y hindi kay Angela kundi sa sarili niyang anak, si Bryle.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now