Kabanata 22: Paligsahan

Start from the beginning
                                    

"Xiang!"

Huminto ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng Xiang. Dalawang tao lang ang pwedeng tumawag sa akin ng pangalan ko na 'yan at sorry siya, hindi siya kasama doon.

"Pwede ba, h'wag mo akong tawagin na Xiang!"

"Ang sungit mo naman, si Cooper nga at si Liam ay natatawag kang Xiang, bakit ako hindi pwede?"

"Kasi importante sila sa buhay ko at ikaw hindi kaya pwede ba? Tigilan mo 'yan."

Naglakad na ulit ako palayo sa kanya. Hindi ko na siya narinig na nagsalita hanggang sa makarating na kami sa grocery nila Liam.

Sumobra ba ako sa kanya?

Totoo naman kasi 'yong sinabi ko, hindi pa naman siya gano'n ka-importante sa buhay ko. Oo, character siya sa libro ko, pero ayon na lang 'yon.

Sinalubong kami ni Liam sa counter at nakakunot na agad ang noo niya, "Araw-araw ba ay dalawa kayong maghahatid ng seaweeds sa store?"

May atraso pa siya sa akin kaya h'wag niya akong simulan. Isa pa wala ako sa mood.

"Oo, may angal ka ba?" Maangas kong sabi.

"Ang init naman ng ulo mo, Xiang. Chill ka lang okay?"

Paano ako mag chi-chill sa ginawa niya? Pinahamak niya lang naman ako.

"Akala ko ba pinahinto mo na 'yong pag di-deliver namin ng seaweeds sa grocery niyo? Ano na naman ba 'to, Liam?"

Hindi mo malaman kung legit bang bipolar 'tong ex-boyfriend ko o talagang malakas lang trip niya.

"Naki-usap kasi si Tita Klaire sa akin kaya pinagbigyan ko na. Naging mabait naman siya sa akin nang tayo pa kaya binabalik ko lang 'yong favor na binigay niya sa akin. Wala naman 'tong kinalaman sa'yo."

Mabuti na 'yong malinaw. Kaya ko naman 'yong trabaho lang at walang personalan basta ba h'wag na siyang makikialam sa buhay ko.

"Ito na 'yong seaweeds," nilingon ko si Scion at nagulat ako dahil nag iba ang kulay ng mga mata niya, naging itim na ito. Napansin ko rin na parang malungkot siya. Mukhang sumobra nga ata ako sa mga sinabi ko kanina. "Scion, pakilagay na lang sa table."

Ginawa naman niya ang inuutos ko pero ang lungkot pa rin talaga ng mukha niya.

"Scion lang ba ang tawag mo sa kanya? Wala kayong sweet na tawagan?"

Ang hilig niya talaga intrigahin ang buhay ko. Sa lahat ng ex-boyfriend na nanloko, siya 'yong mukhang ayaw mag move-on.

"Last time kasi na may ka-endearment ako, ayon niloko lang ako. Mas mabuti na ganito lang kami, simple pero rock."

Ngumisi ako na may halong pang-aasar. Magsama sila ng babe niyang malandi. For sure maghihiway din sila.

Hinawakan ko ang kamay ni Scion para hilahin na siya palabas ng grocery.

Paglabas namin ay hindi pa rin siya nagsasalita at ayon malungkot pa rin. Kulay itim pa rin ang mga mata niya. Na-guilty naman ako bigla. Sabagay, masakit naman talaga masabihan na hindi ka importante sa isang tao.

Sige na, aaminin ko na, importante na naman siya sa akin pero hindi pa kasing importante ni Cooper at Liam sa buhay ko. Kahit gago 'yang si Liam, importante pa rin siya sa akin.

"Uhm, gusto mo ba kumain ng ice cream? Makakapaghintay naman siguro si Auntie sa atin." Tanong ko.

"Ayos lang," tipid niyang sagot.

Tahimik ulit kaming dalawa habang naglalakad papunta sa ice cream shop.

Sa tuwing malungkot kasi ako ay kumakain ako ng ice cream. Effective naman siya kasi gumagaan naman ang loob ko pero kapag heartbreak, hindi na siya effective. Kaya kahit ilang galon na ang kinain ko nang mag-break kami ni Liam ay hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ko.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now