Fourteen - (On the rooftop)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tsk. Kasalanan 'tong lahat ng Jiro na 'to, eh!

Sa isiping yun, inangat ni Eden ang ulo niya at sinamaan ng tingin si Jiro na pa-chill-chill lang na nakasandal sa may pader at naka-pamulsa.

Nang maramdaman ni Jiro ang mga matang mainit na nakatitig sa kaniya ay bumaling siya dito at sinamaan rin ito ng tingin.

"What?" masungit na tanong ni Jiro. Inirapan lang sya ni Eden at hindi na ulit siya pinansin. Napakibot ang labi ni Jiro, pinipigilan ang kagustuhang sapakin ang baklang kasama niya.

Nababagot na siya. Napakamalas naman kasi ng baklang 'to. At dinamay pa talaga sya nito sa kamalasan! Dapat wala siya dito- dapat kasama niya ang mga kaibigan niya o pumuporma na sana siya kay Selena!

Damn it.

Mas lalong nadagdagan ang hostility niya kay Eden. Mula kasi nang sumulpot ang baklang 'to na may pink na buhok, hindi na siya makaporma ng maayos kay Selena! Sa nagdaang linggo, palagi itong umeepal tuwing balak niyang gumawa ng moves kay Selena. Kung hindi ito sisingit tuwing kakausapin niya si Selena, eh uunahan naman siya nito kay Selena at ilalayo ang babae sa kanya. Lalo pa at tuwing matagumpay na nailalayo ni Eden si Selena mula sa kanya, ay tinitingnan siya nito in a provocative way. That look that makes him irritated. He doesn't like it. Not in the slightest.

Now that he remembered it, nagtataka rin siya. What does that look even mean?!

Ganun ba siya kagalit kay Jiro? Sure. The feeling is mutual--- pero ginagawa niya lang ba talaga yun dahil galit siya kay Jiro? Alam niyang gusto ni Jiro si Selena, so ginagamit niya ito para galitin at yamutin si Jiro?

Oh, fuck him.

He is Jiro. And no one can get in his way. This pink haired faggot is nothing. So ano bang kailangan niyang ipag-alala?

Jiro scoffed. He's worrying over nothing.

Napabaling ulit ang atensyon niya kay Eden nang bigla itong tumayo. Napataas ang kilay niya nang makitang pinaniningkit ng isa ang mga mata niya na parang may inaaninag sa nanlalabong tanawin sa di kalayuan. Maya-maya ay in-extend ni Eden ang braso nya at tinest ang lakas ng ulan. Malakas parin ang ulan, lalo yatang lumakas kaysa kanina. Ilang sandali pa ay umapak sya pabalas ng sinisilungan at sa ilalim ng ulanan ay mabilis na nabasa ang buong katawan nya- at tinablan ng lamig na dala ng malakas na hangin. He shivered, shit. Ba't baki ang lakas ng ulan!

"Hoy, bakla! Ano bang ginagawa mo?" salubong ang kilay na tanong ni Jiro pero hindi siya sinagot ni Eden, ni hindi nga siya nito tiningnan. Nag-init ng ulo ni Jiro. Fine! As if gusto nya ang presensya ng baklang si Eden? Hah. Hindi naman siya concern, OVER HIS DEAD GORGEOUS BODY. Nagtatanong lang siya dahil bored siya. Sa sobrang bored nya, kahit ang magtanong sa salot ay papatusin niya. Yup, that's it. Pero kung ayaw siya nitong pansinin, edi wag. As if he cares? Hmph.

Completely ignoring Jiro, naglakas papunta sa railings si Eden at sumilip sa ibaba- may hinahanap. Pinahaba nya na parang manok ang leeg nya.

"Hoy, bakla! Ano bang hinahanap mo dyan?!"

Again, hindi pinansin ni Eden si Jiro. Tumitingin siya sa baba dahil baka sakaling may makita siyang nagpapatrol na guard, o dumadaang estudyante, teacher o meintanance na pwede nyang hingan ng tulong. Malakas naman ang boses nya kaya kailangan niya lang sigawan ang kung sino mang makikita nya para tulungan siyang makaalis dito. Yep, talagang pinagsawalang-bahala nya na ang asungot na nasa tabi-tabi lang at pinapanood siya.

"Tsk. Tingin mo may tangang maglalakad sa gitna ng malakas na ulan na yan? Engot! Ikaw lang ang tangang gagawa non!" Jiro mocked him.

Napantig ang tenga ni Eden sa insulto ni Jiro at agad na sinamaan ito ng tingin. Jiro gave a triumpant smile, as if he won something big. Hindi nya nga lang alam kung ano yun.

Mas nainis naman si Eden sa ngiting binigay sa kanya ni Jiro sa kanya.

"Baka lang naman may dumaan, diba?! Baka lang! Hindi ako katulad mo na masyadong negative mag-isip! Wag ka na nga mangeelam, hayaan mo na 'ko! At wag ka na ring magsalita dahil nakakairita yang boses mo! Tadyakan kita ng malupit sa lungs, eh." masungit na singhal ni Eden at pairap na inalis kay Jiro ang tingin.

Hindi nya nahahalata na naa-adapt nya ang mga kilos no France.

"Tch." ang tanging reaction ni Jiro at di na nagsalita pa na ikinaginhawa ni Eden.

Pero talagang nilalamig na siya! Nangatal ang mga ipin niya nang lumakas ang ihip ng hangin kaya napayakap sya sa katawan nya. Nakangusong sinamaan nya ng tingin ang maitim na ulap bago tumakbo pabalik sa ilalim ng silungan.

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na blessing ang ulan! Letse!

"Engot na bakla."

Sinamaan ni Eden si Jiro na nangunguyam na nakatingin naman sa kanya.

"Tumahimik ka dyan, bakla!" retort ni Eden na agad nakapag-liyab ng galit ni Jiro. Triggered ang lolo nyo!

"Anong sabi mo?! Ikaw--"

BLAG!

Hindi na natuloy ang tangkang paglapit ni Jiro kay Eden para bigyan ito ng leksyon dahil biglang marahas na bumukas ng bakal na pintuan at niluwa non sila Selena, France, at Nicky.

Thank God! Sa wakas!

"Eden!" bago pa makapag-react ang lahat ay agad nang tinalunan ni France si Eden para yakapin ng mahigpit!

"W-Wah! T-Teka Francy, basa ako!"

Hindi naman pinansin ni France ang sinabi ni Eden at agad na humiwalay dito habang ang mga kamay ay abalang iniinspeksyon ang katawan ni Eden na ikinapula ng huli.

"Ano? Ayos ka lang? Patingin nga kung may injury ka! Itaas mo 'tong damit mo!"

"F-France!" namula sa hiya si Eden habang pilit iniiwasan ang malilikot na kamay sa katawan niya.

Hindi naman na nakatiis si Selena at binatukan ng malakas ang naghihysterical na mother hen na si France.

"Ouch! My hair!"

"Bakla ka! Tigilan mo si Eden! Kita mong nilalamig na yung tao!" sermon ni Selena kay France pagkatapos ay napatingin siga kay Jiro na kasalukuyang nakatingin sa kanila. "Diba sinabi ko nang wag mong gagalawin si Eden? Hindi na talaga kita kakausapin kung ipagpapatuloy mo ang pambubully sa mga kaibigan ko!"

"Teka- hindi naman ako yung nagsimula!" salubong ang kilay na depensa ni Jiro sa sarili at saka sinamaan ng tingin si Eden. "Kasalanan ng baklang yan ang lahat ng 'to, eh!"

"Jiro! Isa! Tatadyakan na talaga kita!" banta ni Selena habang masama ang tingin kay Jiro. Akala nya unti-unti nang nagbabago ang lalaki, pero hindi pala. Tsk, masyado syang nagtiwala sa sarili nya at sinabi nya pa naman sa sarili na susubukan nyang bigyan ng chance si Jiro. Pero binabawi nya na, dahil wala talagang pagbabago sa ugali ng lalaki. Ganun pa rin sya, ano pa bang aasahan nya?

Mukhang nabasa naman ni Jiro ang iniisip nya habang nakatingin ang lalaki sa mga mata niya dahil biglang nagpanic ang itsura nito.

"Wait, Selena. Let's talk-"

"Hindi pwede!" singit ni Eden sabay hila sa braso ni Selena at saka binigyan ng matalim na tingin si Jiro. Tingin mo hahayan kitang makapag-cultivate ng relationship nyo ni Selena? Utot mo pink dahil no way!

"Ikaw..." nanggagalaiti na si Jiro at gusto na talaga nyang sakalin si Eden sa galit pero pinigilan ny ang sarili nya. Ayaw nyang mas sumama pa ang image nya sa harapan ni Selena. Hahanap ako ng ibang tyansa para gantihan ka, sa isip ni Jiro habang masama ang tingin kay Eden.

"Tara na, babe!" taas-noong sabi ni Eden sabay hila kay Selena paalis. Pero bago pa sila tuluyang makalabas ay binigyan nya ng mayabang na tingin si Jiro na ikinainit naman ng ulo ng huli. Mabilis na sumunod naman sila France at Nicky sa dalawa.

Nag-tiim ang bagang ni Jiro habang matalas ang tingin sa pintuan- nagdidilim rin ang mukha nya.

Humanda ka talaga sa'kin!

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon