R: Mahal.. *steps out of the tent*

M: Uuwi ka dito matutulog ka lang saglit tapos layas na naman. Ano na tong condo natin? Hotel mo nalang?! Halos di na tayo nagkikita ah! Uuwi ka tulog na ko, aalis ka tulog pa din ako. Pag uwi ko naman wala ka pa, aalis nalang ulit ako at lahat wala ka pa din. Aba'y napakaigi naman natin ano? Kilala mo pa ba ko? Do you still know what I look like? Sabihin mo lang kung need ko ng mag send ng picture syo para maalala mo kung sino pa ko!

R: Love..

M: RJ,  I don't know what to do anymore. One thing I know is I don't want to live like this. Ayoko ng ganito, ayoko ng ganito.. *starts crying*

R: Ma.. I'm sorry, I'm sorry.. please stop crying. Ayoko sa lahat ng umiiyak ka. I'm coming home na, I'm coming home. Pag usapan natin to ng maayos.

M: Ayoko ng ganito RJ, ayoko ng ganito.. *continues to cry*

R: Shhh.. I'm coming home Mahal, wait for me please. Pauwi na ko.

M: *still crying then hangs up*

R: Shit! *walks fast back to his tent* Mama Ten! Uwi na tayo. Tell them pack up na. I'm going home now!

MT: Ano bang nangyari? Bakit pack up na?

R: Ma, she's crying. Iniiyakan na nya tong sitwasyon namin. Alam mong ayoko sa lahat yung umiiyak yun tapos eto, ako pa dahilan. Kingina! *throws his phone on the chair in frustration*

MT: Mag usap nalang kayo. Wala namang di nadadaan sa maayos na pag uusap.

R: I try as much as possible to spend time with her. Kahit panakaw na oras pupuntahan ko pa sa shoot din nya magkasabay lang kami kumain. Pero Ma, di ko naman kontrolado lahat ng bagay dito sa taping di ba? Kung may delays o ano man. Di lang naman ako ang artista dito. Bakit di nya maintindihan yun?

MT: Kaya nga mag usap nalang kayo. Baka nabigla lang. Pareho kayo ng trabaho. Alam naman nya kung anong klaseng oras meron sa inyo. Pero 'nak eto lang, siguro bawasan mo muna siguro yung ibang commitments mo. Yung mga di naman importanteng nandun ka ipagpaliban mo muna. Kailangan mo din kasi magpahinga. Yun lang din siguro punto ni Menggay. Wala ka din oras magpahinga.

R: Alam mo namang plano ko magpaalam muna sa SPS di ba? Magbabakasyon muna ko dun. Para yung sundays ko I can spend time kila Dad and Meng. Surprise ko yun sa kanya. Balak ko sabihin pag maayos na lahat.

MT: Mukhang ngayon palang kelangan mo na sabihin yan sa kanya. Halika na andyan na si Eric.

R: Let's go Ma.

~~CONDO~~

MT: Di na ko aakyat 'nak ha. Pag usapan nyo lang yan maigi ha.

R: Yes Ma. Pagdasal mo ko.

MT: Lagi kayong nasa panalangin ko. Kayong dalawa. Hala siya, akyat na. Tawagan nalang kita anong oras ka namin sunduin bukas for EB, ay mamya na pala yun.

R: Pakitawagan si Eric din mamaya Ma, baka ipasunod ko yung Jaguar.  Sana maayos lahat.

MT: Ayan! Sige suyuin mo ng maigi ha. Good luck!

~~~~~~~

R: *enters their bedroom sees M in bed* Love?

M: *still awake but ignoring R - pretends to be asleep*

R: Love.. *knowing full well M's quirks* Tulog ka na ba? Matutulog na ko. Bukas nalang ako maliligo pag gising. *starts pulling the sheets*

M: *unable to stop herself* Subukan mo lang humiga ng di ka naliligo!

SnippetsWhere stories live. Discover now