Kabanata 20: Revelation

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita niya siguro 'yong magazine ko na puro K-POP ang laman.

Imbes tuloy na mainis ako ay natawa pa ako.

"Alam mo ba ang diary ng iba ay hindi dapat binabasa? Private property ko 'to, buhay ko 'to kaya hindi mo dapat 'to pakialaman."

Tumayo siya at nagkibit balikat, "Malay ko ba, wala sa dictionary 'yong meaning ng diary, eh. Isa pa, ikaw rin naman, alam mo ang buong buhay ko kaya quits lang na malaman ko rin 'yong buhay mo, 'di ba? Mas malala pa nga sa'yo dahil kayang kaya mong baguhin ang buhay ko nang ganon-ganon na lang."

Okay, may point.

Mabuti pa hayaan ko na lang, mukhang hindi naman talaga niya sinasadya. Wala na rin naman ako magagawa dahil nabasa na niya. Gusto ko nang bawasan 'yong stress at galit ko kaya ayoko ng idagdag pa 'to.

Kaso nakakahiya, pati mga feelings ko para kay Liam nakasulat do'n. Baka mag-iba na ang tingin niya sa akin.

"Pasensya na talaga at binasa ko 'yon, Serenity. Gusto ko lang din kasi na makilala ka nang mabuti para mas lalo kitang maintindihan."

Kung mas naiintindihan na niya ako ngayon, mas magiging mabait na kaya siya sa'kin? I mean, mabait na naman siya konti pero hindi pa kasing level ng kabaitan ni Cooper.

"Ayos lang, humingi ka naman ng tawad, eh. Ang importante, alam mo na nagkamali ka, basta sa susunod h'wag mo nang ulitin."

Nag-indian seat siya sa harapan ko.

"Hindi mo talaga naramdaman na may gusto sa'yo si Cooper? Hindi mo naramdaman na hindi lang matalik na kaibigan ang turing niya sa'yo?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

Anong pinagsasasabi niya? Si Cooper may gusto sa akin? Magkaibigan lang kaming dalawa at isa pa pakiramdam ko hindi pa siya nakaka move-on sa ex-girlfriend niya, "H'wag ka ngang malisyoso d'yan."

"Sa totoo lang mas gusto ko si Cooper para sa'yo kaysa kay Liam."

"Alam mo ako rin, lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana si Cooper na lang ang minahal ko at hindi si Liam pero wala, eh. Hindi mo kayang diktahan ang puso mo."

"Sabagay, ako rin naman, hindi ko napigilan ang puso ko na mahalin si Prinsesa Weiming."

Kusang umangat ang dulo ng magkabilang labi ko. Infairness naman kasi sa kanya, simula nang lumabas siya sa libro ay wala na siyang ibang bukang bibig kung hindi si Weiming.

Bigla siyang napakanta, "Foolish heart, hear me calling."

Napanganga ako ng literal. Holy mother of seaweeds! Ang ganda pala talaga ng boses niya. Para siyang anghel na nalaglag dito sa mundo.

"Saan mo natutunan ang kanta na 'yan?"

"Pinapatugtog 'yan ng tiyanin mo kanina sa baba. Sira nga ata ang plaka niya dahil paulit-ulit na tumutugtog ang kantang 'yan. Hindi tuloy siya maalis sa isip ko."

Naalala ko na naman 'yong singing contest. For sure mananalo siya do'n dahil sa ganda ng boses niya kaso ayon ang problema. Sa oras na manalo siya ay baka sumikat siya bigla pagkatapos ma-kwestyon na 'yong pagkatao niya. Isa pa, kapag nag-register siya do'n baka hingan siya ng ID or kung anong documents. Wala naman siyang gano'n, eh. Wala nga siyang birth certificate. Mas lalo pa kaming mapahamak kay Sir Raymond.

Kaso paano ko siya bibigyan ng cellphone? Saktong sakto lang 'yong sahod ko para pang araw-araw ko at isa pa, gagastos pa ako para sa pamasahe papuntang Baguio. So paano na nga?

Hayaan ko na lang siguro. Nakaya ko naman mabuhay na wala si Scion dati kaya for sure, kaya ko pa rin mabuhay kahit wala siya. Kaya ko na naman sigurong ipagtanggol ang sarili ko. Mag-aaral na ako ng self-defense tska magbabaon na ako ng pepper spray.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon