GC 64

19.7K 951 1.1K
                                    

"Salamat po ulit," nakangiting sabi ko sa mga pulis.

Minabuti kong huwag nang palakihin ang nangyari dahil buhay pa naman ako. Wala namang gaanong nawala sa mga gamit ko bukod sa necklace. Isa pa, baka matindi talaga ang pangangailangan ni Manong kaya niya nagawa iyon.

"Huhu. Buti na lang hindi ka sumama sa iba!" saad ko nang makita ang pera sa wallet ko.

Kung sino man iyong lalaking nagligtas sa akin sana masarap ulam niya araw-araw, at hindi pa siya kunin ni Lord! 

Inilagay ko muna sa loob ng bag ang bagong lutong bibingka dahil sa biyahe ko na lang iyon kakainin. May ilang minuto pang natitira bago ang pag-alis ng bus na sasakyan ko kaya dumiretso muna ako  sa banyo.

"Ano ba namang klaseng banyo ito, mukhang haunted!" Patay-sindi ang ilaw, mukhang ako lang din ang nasa loob.

Gagamitin ko na sana ang flashlight ng phone ko ngunit wala na palang baterya ito. Wala na akong nagawa kundi pumasok na lang sa loob ng cubicle. Hindi ko na kering magpigil, 'no!

"Ay aswang!" sigaw ko nang makita ang hitsura ko sa malaking salamin matapos makalabas ng cubicle. 

Kaloka! Mukha ko lang pala! Naghilamos kaagad ako dahil mukha na palang vintage na basahan ang face ko.

Hanggang sa magulat ako nang may biglang pumasok. Nakayuko siya at nakasuot ng sumbrero kaya hindi ko na masyadong pinansin. Bumalik na lang ako sa pag-aayos ng buhok ko.

"Pabango ba iyon ni Devon?" I secretly looked at the person next to me—magkapareho kasi sila ng amoy ni Devon.

Hanggang sa mapalunok ako nang bigla niyang patayin ang faucet kaya agad akong nag-iwas ng tingin nang muntik nang magtama mga mata naming dalawa.

"Zhavie..." 

Hindi ko na nagawang makasagot sa tawag niya dahil sa mga sumunod na nangyari.

"Shit!" My eyes widened in surprise when the person grasped the back of my neck.

Hanggang sa bigla niyang takpan ng panyo ang ilong ko na dahilan upang maramdaman kong hihimatayin ako.


Rhea's POV

"Nasaan na kaya iyong bruhang iyon?" 

Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa hindi pagsagot ni Zhavie sa mga mensahe at tawag ko. It's almost 12 AM! Ang dami ko nang naiisip, pakiramdam ko may nangyari nang masama sa kaniya pero huwag naman sana.

Pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili ko na baka nakalimutan lang niya ang bilin kong balitaan ako sa oras na makarating siya sa bus station, o puwede ring baka walang baterya ang phone niya kaya hindi siya sumasagot.

Bullshit! Hindi talaga ako mapakali—kanina pa ako palipat-lipat ng posisyon habang nasa kwarto—at parang nanay na nag-aalala sa anak na hindi pa umuuwi!

"Bahala na! Pupunta na lang ako ng bus station." Kinuha ko kaagad ang puting sweatshirt ko at isinuot ito. 

Napatigil ako sa paglock ng pinto nang maalalang oras na pala ng curfew. Lagot nanaman ako nito kapag nahuli ako ng dorm owner na si Ate Badet! Shit! Anong gagawin ko?

Ano kaya kung dumaan at tumalon na lang ako sa bintana?

Hmm.. puwede ring i-untog ulo ko sa pader para dumugo sabay rason na pupunta ako ng hospital! 

O si Ate Badet na lang kaya ang i-untog ko sa pader para ilang oras siyang tulog?

Hays! Bahala na! Sana talaga tulog na siya dahil siguradong bubungangaan nanaman ako nun. Daig ko pa ang akyat-bahay sa ikinikilos ko habang pababa ng hagdan. Muntik pa nga akong mahulog dahil sa pagmamadali.

Ewan ko kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Wala naman dito si Blaster, ah? Siya lang naman ang nagpapabilis ng tibok nito!

"Tang'na naman, Rhea Lexi!" Napapikit na lang ako sa inis nang mabitawan ang phone ko. Sa kalagitnaan nang pagpulot ko nito sa sahig ay mga paa ni Ate Badet ang sumalubong sa mga mata ko. 

"At saan ka naman pupunta, Rhea?" tanong niya sabay bukas ng ilaw.

"Ah.. diyan lang sa ano, hehe." Napakamot ako sa ulo. Lintik naman, o!  Anong irarason ko sa kaniya?

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon