GC 46

26.1K 1.2K 2.2K
                                    

Ang dami namang epal sa buhay ko. Una si Axiel, ngayon naman si Alex!

Nakayuko lang akong naglalakad nang makarating ako sa dorm. Pakiramdam ko wala nang natirang enerhiya ang katawan ko, parang mas lalo akong nanghina sa ininom kong kape. Daig ko pa ata iyong mga zombie roon sa movie na Train to Busan dahil sabog na sabog ako.

Hanggang sa napahinto ako sa paglalakad, hindi pala ako nakabili ng lutong ulam! Napasabunot na lang ako sa buhok at napapadyak.

Muli akong napatigil dahil biglang may bumangga sa likuran ko.

I just apologized and continued walking because I didn't have time to look at whoever I hit. 

Napatalon kaagad ako sa kama at niyakap ang unan nang makarating ako sa loob. Sobrang inaantok na talaga ako at pakiramdam ko kapag hindi pa ako natulog ngayon ay talagang ikamamatay ko.

Nagising ako sa lakas ng katok sa pintuan ko. Hayy! Istorbo! Tumingin muna ako sa orasan, wala pang isang oras iyong tulog ko, huhu.

Inayos ko muna saglit ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Sino kaya itong kumakatok? Ang lakas mang-istorbo.

Napakagat ako ng labi dahil iyong may-ari pala ng dorm na tinutuluyan ko ang kumatok. Maniningil ba siya? Katatapos ko lang magbayad ng renta last week, ah.

"Good afterno—" hindi niya ako pinatapos dahil bigla siyang sumigaw.

"Hindi ka ba marunong sumunod sa simpleng batas dito? 'Di ba sabi ko bawal magpapasok ng lalaki sa loob ng dorm?! Girls' dorm 'to, Zhavie! Kung gusto mong magsama ng lalaki lumipat ka na ng dorm!"

Mas lalong nagising ang dugo ko dahil sa sigaw niya. Hindi na ako magtataka kung bakit bawal ang lalaki rito dahil man hater siya, pero teka? Wala naman akong pinapasok na lalaki, ah?

"Anong ibig niyong sabihin, Ate Badet? Wala akong kasamang lalaki. Mag-isa lang akong umuwi kaya imposible naman po 'yan, hehe."

"Wala? Huwag ka na ngang magsinungaling! Kitang-kita ka ni Rhea!" muli niyang sigaw, napapikit na lang ako.

"Rhea? 'Yung nasa 212? Hala, wala po talaga akong kasamang lalaki mamatay man ako ngayon."

"Heh! Ewan ko sa iyo! Magsisinungaling ka pa e may nakakita nga! Kung ayaw mong sumunod sa simpleng batas dito sa loob ng dorm umpisahan mo nang ligpitin 'yang mga gamit mo at lumayas ka rito," aniya sabay alis.

Sungit! Highblood nanaman.

Hindi ko naman magawang umalis sa dorm na 'to dahil mura ang renta. Pero grabe naman wala nga akong kasamang lalaki, e! Sino namang lalaki ang isasama ko rito? Boyfriend nga wala ako, saka wala rin akong kaibigang lalaki na taga-rito.

Mapuntahan nga iyang Rhea na 'yan!

Kumatok ako sa pintuan niya at minuto ang lumipas bago niya buksan ito. Amoy na amoy ko ang alak sa bunganga niya nang magsalita siya.

"O, Zhavie," bati niya at ngumiti.

"May itatanong lang sana ako, hehe."

Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin, "Ano 'yon?"

"Bakit mo naman sinabing may kasama akong lalaking pumasok ng dorm? E wala naman, pinapagalitan tuloy ako ni Ate Badet."

"Ha? E, may kasama ka naman talaga. Tinanong ko pa nga si Ate Badet kung boyfriend mo 'yon, infairness ha! Ang gwapo!" she giggled, laughing.

"Lasing ka nanaman ba? Wala akong kasamang lalaki, baka namalikmata ka lang."

"Mayroon kaya, pero hindi ko sinasadyang isumbong ka. Gusto ko lang talagang tanungin kung syota mo 'yon."

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon