GC 60

27K 1K 2.1K
                                    

"Kakakain mo lang ng ice candy, gulaman naman tinira mo ngayon? Naglilihi ka ba, Rhea?" biro ko. 

"Gago! Paano ako mabubuntis? Ang tagal ko nang hindi nakikita 'yong ugok na lalaking 'yon! Wala pang nangyayari sa amin!" 

Agad akong napaubo dahil sa narinig. Sobrang lakas pa ng boses ng gaga!

"Si Head— I mean si Blaster.. ba?

She raised a brow, "Nagtaka ka pa? Sa kanya lang naman ako na-uulol." 

"Hoy Lambojo! Saglit lang. Hintayin mo 'ko!" nagmadali akong humabol sa kanya nang dumiretso siya sa entrance ng mall.

"Bakit kita hihintayin, Fuentes? Sawa na ako maghintay!" sigaw niya.

Natawa na lang ako dahil sa timpla ng mukha niya. Pawis na pawis pa dahil sa init. Mabuti pa ako fresh, hihihi.

"Woah! Wala na bang ilalamig itong mall na 'to! Ang init," reklamo niya habang chinecheck ng guard ang bag niya. "Ano 'yang bag ko fishball? Tinutusok-tusok mo lang, Kuya?"

Red days ata si bakla!

"Kalma lang po kayo, Ma'am. Papangit kayo niyan," patagong natawa si Kuyang guard.  

"Kahit hindi ako kumalma maganda pa rin ako. Grabe ka naman manusok sa bag ko, mukha ba akong magdadala ng bomba sa mall na 'to?" pagsusungit niya, pero natawa rin sa huli.

"Wow, hahaha! Ako dapat ang magsabi niyang kahit hindi ako kumalma maganda pa rin ako. O yan, sige Kuya tusukin mo lang, hehehe."

"Ang init talaga, grabe!" sigaw ni Rhea matapos i-check ang mga dala naming bag.  

"Highblood yarn? Sige ka, papangit ka talaga," sabi ko at inilibot ang mata sa mga naka-sale na accessories.

"Alam mo kung bakit ako highblood? Una, nagleave ka sa GC nang hindi mo sinasabi sa akin ang plano niyo ni 1st. Alam mo ba? Sobrang dami kong naisip kanina kung bakit ka umalis! Gusto na nga kitang sugurin sa campus niyo, e."

"Ano 'yong pangalawa?" natawa akong umakbay sa kanya.

"Pangalawa, nalaman kong si Blaster pala head admin sa GC! Parang takot na takot pa sila sa kanya kaysa kay 1st. E, walang'ya! Binabatukan ko lang kaya iyong lalaking iyon!"

Ngumisi ako, "Tapos ano naman iyong pangatlo?"

"Pangatlo, one hundred pesos pala 'yong nabigay ko sa driver kanina. Hindi ko nakuha sukli ko," paliwanag niya at padabog na kinuha ang isang cart.

"Huminga ka muna. Naiintindihan kita, kaya mo yan!" Tanging irap lang ang natanggap ko sa kanya matapos magsalita.

Naisipan kong magbukas muna ng Messenger habang abala si Rhea sa pagpili ng mga iluluto niya. Gusto kong i-chat ulit si Axiel dahil gusto ko nang magpabalik sa GC. Iba rin pala ang feeling kahit wala pang isang oras akong umalis doon.

Hmp! Sana huwag niya akong traydorin.

Aixel Aixel •active 2mins ago

Zhavie Fuentes
Axiel Axiel

Zhavie Fuentes
Yes papa?

Zhavie Fuentes
Are you busy?

Aixel Aixel
Yeah.

Zhavie Fuentes
Ahh. Sorry hehe. Magpapabalik na sana ako sa GC eh. Nabawi mo na ba account mo?

Aixel Aixel
Not yet.

Zhavie Fuentes
Luh. Bakit?

Aixel Aixel
Kasi hindi ko pa nababawi.

Zhavie Fuentes
Pagkatapos mo 'kong pakinabangan. Ngayon binabara mo na ako. Grabe ka talaga. :(

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon