GC 32

26.5K 1.2K 524
                                    

"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Lalong nagtaka si Aeron matapos hindi makakuha ng sagot. Kinuyom nito ang kamao at matalim na tumingin sa kaharap.

"Isa... dalawa, tatlo.. apat," nag-umpisa nang magbilang ang kausap nito.

"Tinatanong kita. Paano mo n-nalaman pangalan ko?" 

"Lima.. anim.. pito!" balewala lang sa kaniya ang mga sinasabi ng lalaki, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbibilang.

"Wala akong panahong makipaglokohan at makipaglaro sa 'yo!" inis na dagdag ni Aeron.

At the count of ten, Aeron stayed in his position. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari. Nakikipaglokohan lang ba ito o gusto talaga siyang gawan ng masama?

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ni Aeron na animo'y naging yelo ang buong katawan dahil sa nangyayari. Papasok na sana siya loob ng kotse, ngunit agad siyang napahinto dahil sa narinig mula sa taong kausap niya.

"H-ha? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo!" Aeron shouted.

Isa lang ang naiisip niyang posibleng mag-utos o gumawa nito sa kaniya, ngunit hindi niya ito makumpirma.

The person in front of him suddenly raised its head. Aeron's jaw dropped after seeing the familliar face, but he couldn't recall where he first saw it. He then began running to hide because of the strange feeling he felt.

Pirming nakatayo lang ang taong nag-utos sa kanya habang pinapanuod si Aeron na tumatakbo sa loob ng car park, ngunit pagkatapos ng ilang segundo, muli siyang sumigaw.

"Tumakbo ka lang hanggang kaya mo. Don't let me catch you, dumbass!"

"B-bakit mo ba ginagawa 'to? Anong kailangan mo?!" sigaw ni Aeron, ngunit muli siyang hindi nakakuha ng sagot.

Mabagal lang itong naglalakad habang si Aeron ay aligagang tumatakbo.

Halos balutin ng pawis ang mukha ni 14th habang nag-iisip kung saang direksyon pupunta  hanggang sa mapahinto siya sa isang madilim na sulok at piniling tumago sa ilalim ng lumang kotse.

Sa kabilang banda ay tahimik at mabagal lang siyang naglalakad. Hawak nito nang napakahigpit ang ice pick habang lumilinga sa paligid.

"Galingan... mong magtago," mapanuksong sabi nito.

Napangisi siya nang makita ang isang pulang sapatos sa ilalim ng kotse. Agad niyang hinila ang paa ni Aeron upang mapalabas ito sa ilalim kung saan siya nagtatago.

"B-bitawan mo 'ko! T-tulong!" sigaw ni Aeron habang nagpupumiglas.

"Yeah, that's it! Lakasan mo pa!" paghahamon nito.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Anong k-kasalanan ko sa iyo?!" asked Aeron, breathing heavily.

"Hindi ka kasi marunong sumunod!"

"Sinunod naman kita, ah? Tumakbo ako, kaya parang awa mo na, b-bitawan mo 'ko!" Aeron begged.

"You wish," pang-aasar niya. "This is my f*cking task."

"Ano bang kailangan mo?!" paglilinaw ni Aeron.

"Ikaw. 'Yang buhay mo, buhay mo ang kailangan ko."

Inipon lahat ni Aeron ang lakas niya upang makawala sa mahigpit na paghawak sa kaniya. Agad niyang sinipa ang tuhod ng kaharap niya kaya saglit itong napabitaw sa kaniya.

Binilisan ni Aeron ang pagtakbo sabay sigaw at humingi ng tulong dahil umaasa siyang may makakarinig sa kaniya kahit bilang lang ang mga naka-park na kotse at wala pang mga taong bumabalik upang kunin ang mga ito.

"Aeron Villareal! Huwag na huwag kang magpapahuli sa 'kin!"

Lalo pang binilisan ni Aeron ang pagtakbo, ngunit nang naabutan siya ay hindi na nagdalawang-isip ang nakahuli sa kaniyang gawin ang plano nito. 

They choked Aeron's neck until he collapsed on the ground.

"P-parang awa mo na, bitawan mo 'ko," Aeron begged, crying.

"Masyadong pasaway 'tong mga paa mo," saad niya sabay tusok ng ice pick sa kaliwang paa ng lalaki.

Napasigaw si Aeron sa sakit kaya mas lalo pa niya itong ibinaon. "Tama na! Parang awa mo na, ano ba talagang kasalanan ko sa iyo? T-tama na!"

Tumulo ang napakaraming dugo mula sa kaniyang paa at halos mamilipit ito sa sakit nang sinubukan niyang tumakbo muli.

"Maawa? Why would I do that?" ngumisi siya.

"Ano bang dapat kong gawin para tantanan mo na 'ko? H-hindi kita kilala!"

"Bibilang ako hanggang sampu. Kapag nakarating ka sa dilaw na linyang 'yon, titigilan na kita, pero kung hindi..."

Aeron raised his hand, "Gagawin ko!" 

Aeron crawled as quickly as he could to the yellow line. He gathered his strength to get there because he believed that if he made it to the end, the person behind him would stop.

Ginawa niya ang lahat upang mapabilis ang paglalakad, ngunit hindi pa niya nakakalahati ang hakbang papunta sa nasabing linya ay narinig niya na ang huling numero.

Lalong nanlaki ang mata nito nang lapitan siya at itinutok ang ice pick sa leeg niya.

"T-tigilan mo na 'to, pa.. parang awa mo na. N-nagmamakaawa ako s-sa.. iyo. Hirap na hirap na ako," pagmamakaawa ni 14th.

Tila nagbago ang mukha nito at biglang umamo matapos marinig ang sinabi ni Aeron. Mariin siyang tumayo at nagsalita.

Patakbo niyang nilisan ang lugar at inalis ang itim na gloves sa kamay.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingWhere stories live. Discover now