GC 52

28.5K 1.2K 1.3K
                                    

N O T I C E !
Please check GC53 after niyo basahin 'tong chapter 52 para hindi kayo malito. Napunta kasi malapit sa Chapter 90+ 'yong Chapter 53. Ewan ko kung paano nangyari, haha. Happy reading!

***

"Bayad po, pakisuyo," saad ko matapos sumakay sa jeep. 

Halos masuka ako dahil sa bilis ng byahe. Noong isang araw sobrang kupad ng bus, ngayon naman daig pa si The Flash nitong driver ng jeep, huhu.

Inayos ko na lang ang posisyon ko, hanggang sa may kakaiba akong naramdaman. Bakit ganun? Pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa akin na para bang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Pinili ko na lang maging abala sa phone at sinuot ang earphones. Napatigil lang ako sa paggamit nito nang huminto ang jeep sa labas ng Mall kung saan dapat ako pumunta ngayon upang mag shopping.

Muli akong napalingon sa likod nang maramdamang parang may kung sinong sinusundan ako.

Shit. Ayokong maging paranoid.

Pumasok na lang kaagad ako ng Mall. Halos triple ang dami ng tao dahil sa ginaganap na event kaya hinanap ko na lang ang department store upang bumili ng gamit nina Mama at Papa. Hindi ako magastos sa university kaya may natira pa sa allowance ko upang ilaan sa mga dadalhin kong pasalubong.

"Ano kayang magandang bilhin?" bulong ko sa sarili. Hanggang sa mapatigil ako nang makita ang itim na jacket, saktong may hoodie pa kaya hindi ko naiwasang mapangiti dahil bigla kong naalala iyong lalaking nakausap ko nang pumunta ako kina Aeron.

Hihihi. Nasaan na kaya siya? Malala na 'to, napapangiti na ako.

"Pa-add na lang ng isang blueberry cheesecake. Thank you," nakangiting sabi ko sa crew.

Sa isang milktea shop muna ako tumambay dahil napagod ako sa pamimili. Anim na paper bag ang dala ko dahil bumili na rin ako ng mga damit ko. Sayang naman kasi iyong promo at discount kaya pinatulan ko agad. 

Kasabay nang pagbubukas ko sa Messenger ay ang pagdating ng order ko. Hindi na ako nagulat nang makitang walang chats. Iyong GC na lang talaga ang bumubuhay sa Messenger ko, hays. Himala na lang talaga kapag nakatanggap ako ng chats galing sa ibang tao.

Makapag-chat na nga lang sa GC. Pinapamukha talaga sa akin ni Messenger na single ako, e.

-σκοτώνω-

13th: Baka tulog pa 'yung iba? 10AM pa lang eh.

8th: Siguro nga. Miss ko na si 15th.

Zhavie: Hello guys.

13th: Good morning, 20th.

Zhavie: Hello hehe morning!

3rd: morning

3rd: everyone

16th: Jwu.

8th: Hello 3rd.

Zhavie: Mukhang napuyat ka ata, 16th?

16th: Ya.

3rd: Hello, 8th. How are you?

11th: Goodmorning world!!!

8th: Pogi pa rin, dude.

3rd: Nice.

Zhavie: Hi.

Zhavie: 11th.

11th: Hello 20th. ^,^

2nd: Guys. Sa tingin niyo? Ba't umalis si 15th?

8th: Ewan. Wala akong idea.

11th: Baka nga nagsawa sa joke ko.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon