GC 58

36K 1.3K 5.8K
                                    

Vince Vince
Zhavie! May zazhavie hin ako sa'yo hehehe.

Accept Delete

Devon Movilla •active now

Zhavie Fuentes
Tapos ko na lahat sa wakas!

Devon Movilla
Nice haha.

Zhavie Fuentes
Pati 'yung reporting bukas tapos ko na rin. Hihi.

Devon Movilla
Oh? Paano? Ang bilis naman. Akala ko 'yung written works lang?

Zhavie Fuentes
Wais ata 'to! ;)

Devon Movilla
Lah? Anong ginawa mo? Haha.

Zhavie Fuentes
Sabihin ko bukas hahaha! Tsaka alam mo ba galing ako sa bahay nila ni Lander kanina sumakay ako sa kotse niya. Teka wait! Kinikilig pa rin ako hihi.

Devon Movilla
Naks.

Zhavie Fuentes
Kanina ko lang ulit siya nakasabay, 'yung huli kasi e sa jeep, noong nasira sapatos ko. Baka sira kotse niya kaya siya nagjeep pero sana masiraan na lang siya lagi hehehe jk

Devon Movilla
HAHAHAHAHAHA.

Zhavie Fuentes
Anyway, nang inexcuse pala kita kanina grabe kaba ko kasi sinabi kong masakit ulo at puson mo. Tapos biglang sabi ni Prof kung buntis ka raw amp

Devon Movilla
Buntis? Hahaha wth? Mabubuntis lang ako kapag ginawa namin ni ano 'yun.

Zhavie Fuentes
Kapag ginawa niyo ni???

Devon Movilla
Wala wala hahaha.

Zhavie Fuentes
Sino nga? Ikaw ha may tinatago ka ata? Sabihin mo :( ang unfair! Kapag ako sinasabi ko lahat.

Devon Movilla
Hahaha 'yung crush ko, pero hindi mo kilala.

Zhavie Fuentes
Sino ngaaaaa.

Zhavie Fuentes
Siguro kaya ka umalis kanina kasi nagdate kayo no? Boyfriend mo? Sinooooooo?

Devon Movilla
Hindi ko alam. Basta may something na Pheorez sa IGN niya.

Zhavie Fuentes
At kelan ka pa naging gamer???

Devon Movilla
May sinabi ba akong gamer ako? Haha. I mean, nagpasama kasi dati si Nanette sa'kin. Sinundo niya kasi 'yung boyfriend niya sa computer shop nag away pa nga sila eh. Tapos ayun nakita ko yung crush ko nakaupo naglalaro ang galing nga niya maglaro eh pero IGN lang niya nakita ko. Nahihiya naman akong tanungin pangalan niya di naman ganon kakapal mukha ko.

Zhavie Fuentes
Ay hehe. Di ko kilala 'yang Nanette.

Devon Movilla
4th year representative sa engineering noong may pageant, 'yung 2nd place.

Devon Movilla
Sige, goodnight na. I'll sleep na. Daanan nalang kita d'yan sa dorm mo sabay na tayong pumasok.

Zhavie Fuentes
Talaga? Sige sige. Goodnight mwaaaa!

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon