GC 55

30.3K 1.2K 4.3K
                                    

"Sino kaya itong tumatawag?" inaantok na sambit ko habang kinukusot ang mga mata. 

[Hi, anak! Ang papa mo 'to. Kailan ka bibisita rito? Miss ka na namin ng Inay mo. Musta grades? Mababa nanaman ba? Hehe! Biro lang, anak.] sunod-sunod na tanong ni Papa.

"Kailan ba bumaba grades ko? Hmp! Baka ma-late pagbisita ko, akala ko kasi after 3 days pwede na kaming mag sembreak, pero kapag hindi pa raw namin naipasa lahat ng kulang sa uni hindi pa kami pwedeng mag-enjoy. Hays! Marami pa naman akong kulang."

[Bakit? Siguro inuuna mo pag-nonobyo kaya hindi mo nagagawa, 'no? Hay nako, Ezang! Mag-aral ka muna.] sagot niya, may pang-aasar pa ang boses.

"Badtrip ka naman, 'tay! Ang laki ko na tinatawag mo pa rin akong Ezang. Ganda ng pangalan kong Zhavie tapos tatawagin mo akong Ezang?" I laughed.

"Aysus! Narinig ko 'yun nak ha! Nagdadalaga kana ba? Hahaha Di ka pa nga ata tinutubuan ng bulbul eh." Pagtawa ni Inay.

"Ma naman, e! Mabuti na lang at walang nakakarinig sa iyo," nakangusong sabi ko ngunit agad din akong natawa dahil sa pang-aasar ni Papa sa kanya..

[Namamalo nanay mo, o. Ezang. Kawawa nanaman ako.] pagtawa ni Papa.

[Ewan ko sa inyong mag-ama. Zhavie, tapusin mo na lahat ng kulang mo para makaluwas ka na rito.] bilin ni Mama.

"Don't worry, Ma! Matagal mong makikita ang maganda at paborito mong anak!"

[Ang kapatid mong si Zargon ang paborito ng Inay mo. Ako ang may paborito sa iyo.] pagsingit ni Papa.

"Oo nga pala, Team Zargon si Mama! May pasalubong ka sa akin pag-uwi ko, hehe."

[Nakakausap mo ba ang kapatid mo?] tanong ni Mama.

"Busy masyado, e. Nang huling tumawag ako binabaan ako, porke nasa Australia na kinakausap pa ako minsan with accent," I pouted.

[Kayo talagang magkapatid, hahaha! O, sige, balitaan mo na lang kami, 'nak. Mahal ka namin.] bilin ni Mama.

Dumiretso kaagad ako ng convenience store matapos silang kausapin. Aayain ko sana si Rhea pero ayoko na siyang istorbohin dahil baka tulog siya.

Isang siopao at ice cream lang ang binili ko saka bumalik ng dorm. Muntik ko pang mabitawan ang dala ko dahil sa biglang pagsulpot ni Ate Badet sa harapan ko.

"Jusko naman, Ate Badet! Magkakaroon na ata ako ng sakit sa puso dahil sa'yo, lagi ka na lang nambibigla."

She scanned me, "Zhavie, pumunta nanaman dito 'yong boyfriend mo, ano?"

"Ha? Nang-iinis po ba kayo? Hindi pa ako kumakain ha, baka gusto mong ikaw ilagay kong toppings dito sa siopao, hehe." pagbibiro ko.

Tumingin siya sa akin ng masama kaya agad kong binawi ang sinabi ko.

"Hehe, joke lang po. Napakaseryoso mo naman kaya 'di ka nililigawan, e. Sinong boyfriend? Ano pong tinutukoy niyo?"

"Iyong lalaki, naaalala mo iyong nakwento ko sa'yo na nakita ni Rhea? Siya 'yong nakita ko kaninang nasa labas ng kwarto mo. Ikaw talagang bata ka! Hindi ka sumusunod sa utos ko," nakapamewang na sabi niya.

"Ha? Walang ganyanan, tinatakot mo ako, e. Prank ba 'to?" kumunot ang noo ko.

"Boyfriend mo 'yon, ano? Umamin ka!"

"Boyfriend?! Wala nga akong boyfriend! Hindi pa nagiging kami nung crush ko eh. Kapag naging kami na update kita hehe."

"Weh? Eh boyfriend mo 'yun. Umamin ka na kasi!"

"E, wala nga akong boyfriend! Pinapamukha mo talagang wala akong boyfriend e, 'no? Triggered ako," I fired back.

"Ha? Ano 'yung triggered? Pero heh! Nevermind, umamin ka na kasi, Zhavie!"

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon