GC 30

30.3K 1.3K 772
                                    

Author's Note:
I'll be using they/their/them pronouns to describe the person in some parts of this story to avoid revealing their true identity and to keep the mystery alive, especially in the 3rd Person POV. But malalaman niyo rin soon! :) 

"Sorry, ha. Kailangan ko pa kasing magreview sa exam, Devon."

Binilisan ko ang pag-aayos ng mga bagong labang damit at inilagay sa cabinet matapos sumagot sa sinabi niya. I declined her offer dahil hindi naman ako mahilig pumarty at may kailangan pa akong i-review, habang sila gusto raw munang mag-enjoy dahil sa paparating na exam.

[Okay. Basta kapag nagbago isip mo message me, ha?] bilin niya bago i-end ang call.

Ilang linggo na rin ang lumipas, at siyempre, walang bago sa buhay ko dahil bokya ang social life ko. Hindi ako katulad ng iba na mahilig mag party o pumunta kung saan-saan. Umiikot lang ang araw ko sa pagbangon sa umaga, kakain, at pagpasok sa university. Gano'n kaboring ang buhay ko pero sanay naman na ako. 

Wala akong masyadong kaibigan sa loob o labas man ng university. Devon is always the only one I get along with, but she has her own circle of friends kaya minsan mas pinipili ko na lang maiwan. I don't hate her friends, sinusubukan ko namang maki-hangout sa kanila, pero hindi ko talaga keri ang lifestyle nila.

"Kumusta na kaya si Aeron?" agad kong naisip. Simula nang umalis siya sa GC, wala na akong naging balita sa kaniya kaya tinignan ko kaagad kung online siya.

Aeron Villareal •active now

Zhavie: Aeron?

Zhavie: Yuhooo.

Aeron: Yup?

Zhavie: Okay ka na? Sabi sayo, e. Walang mangyayaring masama.

Zhavie: Matatakutin ka lang talaga.

Aeron: Siguro nga, pero hindi pa rin ako dapat magpakasigurado

Aeron: Papunta ako ng church ngayon.

Zhavie: Ay oo nga pala Sunday ngayon.

Zhavie: Sige ingat ka.

√Seen4:18pm

3rd Person's POV

Sinakop ng kanyang malakas na tawa ang buong kwarto matapos maalala ang pag-alis ng pang labing-apat na miyembro ng GC.

"Aeron Villareal..." an evil grin appeared on their lips.

Nasa kalagitnaan na ito sa pagsasara ng bag kung saan nakalagay ang mga kakailanganin nito ngayong araw, ngunit agad siyang napatigil upang titigan ang sarili nito sa harap ng isang malaking salamin.

A tall person with smiling eyes appeared. Pale features displayed because of its snowy skin. 

Nang mapansin niyang humaba na muli ang kaniyang buhok hanggang leeg ay agad niyang tinalian ito bago isuot ang itim na sumbrero.

Nang matapos ito'y bigla siyang napahawak sa kaniyang labi, tila ba'y nag-iisip kung ano pa ang posibleng gawin kay Aeron bukod sa kanyang naunang plano.

Whistling, a memory flashed inside their mind. Humigpit ang hawak nito sa bag habang inaalala kung ano ang ginawa niya sa dating pang labing-siyam na miyembro...

..at kung paano niya ito pinatay.

Sumilay sa mukha niya ang napakalawak na ngiti habang nilalakbay ang daan kung saan nakatira si 19th. Hawak niya ang isang makapal na kahoy sa kaliwang kamay na napapaligiran ng napakaraming pako at halos nangangalawang na rin ito.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon