GC 33

25K 1.1K 283
                                    

Nakahinga nang maluwag si Aeron matapos siyang iwanan ng taong gustong pumatay sa kaniya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging gano'n ang naging reaksyon nito at agad siyang iniwan na para bang walang nangyari.

Aeron couldn't figure out who had attacked him, but he had a suspect in mind.

Someone who wants him dead.

Paika-ika siyang naglalakad habang papunta kung saan ang kanyang kotse. Napasabunot na lang siya sa buhok nang makitang wala ng baterya ang kanyang telepono kaya wala siyang nagawa kundi ibalik na lang ito sa bulsa.

Pawis na pawis siyang pumasok sa loob. Bago pa niya mapaandar ang kotse ay bumungad sa kanya ang hindi inaasahang pangyayari. 

Someone covered his eyes and immediately tied his hands behind his back, preventing him from moving and seeing the person in front of him.

"Sino ka? Pakawalan mo 'ko!" Aeron shouted in pain.

Tumawa nang napakalakas ang taong nasa harapan niya at nagsalita, "Kapag sinabi ko ba kung sino ako makakatakas ka?"

Sandaling napatigil si Aeron sa kaniyang narinig. "Your voice is f-familliar."

"Too bad. Boses ko lang ang kilala mo."

"Anong balak mong gawin?! Tanggalin mo 'to! Gago ka!"

"Bakit nagagalit ka? Red days ka ba ngayon? Ah, oo mayroon ka nga siguro, dumudugo paa mo, e."

Agad niyang pinisil ang dumudugong paa ni Aeron na dahilan upang lalo pang tumulo ang mga dugo.

"Ahhh! Aray!" sigaw ni Aeron dahil sa sakit. Patuloy na umaagos ang dugo mula sa kaniyang mga paa. "Tama naaa!"

"Sige! Magmakaawa ka pa, gusto ko 'yan," said the person, laughing.

Sandaling tumahimik ang paligid hanggang sa makarinig siya ng pamilyar na tunog.

"A-ano 'yan?" Aeron asked, shaking.

"Tanggalin mo kasi 'yang panyo na nakatakip sa mata mo para makita mo!"

"Paano ko matatanggal? E, tinali mo rin 'tong mga kamay ko!"

"Damn! Oo nga pala," panunukso niya. "Hmm, hulaan mo. Magbibigay ako ng tatlong clue. First clue, itong hawak ko ngayon.. mabigat at gawa sa bakal."

"H-ha?" naguguluhang banggit ni Aeron.

"Second clue, ginagamit sa aso," dagdag nito.

Tagaktak ang pawis mula sa noo ni Aeron lalo na nang marinig ang tunog ng bagay na iyon.

"3rd clue. Gagamitin ko para sa'yo," ngumiti ang taong nasa harapan niya.

"Gawa sa bakal, ginagamit para sa aso? D-dog chain?"

"Yeah! Ang talino mo talaga," napapalakpak nitong sabi. "Sa sobrang talino mo, ang galing mong magpanggap."

"Anong g-gagawin mo riyan?" napalunok nitong tanong.

"Let's see, Mr. Genius. Sa tingin mo ba, makakaligtas ka sa gagawin ko sa iyo?"

"A-ano bang gagawin mo sak—" Hindi na naipagpatuloy ni Aeron ang kanyang tanong dahil bigla siyang sinakal sa leeg gamit ang dog chain.

"Ano! Sagot? Makakaligtas ka ba o maililigtas ka niya? Wala siyang inililigtas na masamang taong kagaya mo!" malakas na sigaw nito.

"Anong k-kasalanan ko.. s-sa iyo?" saad nito habang namimilipit sa sakit.

Lalo pa niyang hinigpitan ang paghila sa dog chain upang lalong masakal si Aeron. Hindi nito maiwasang matawa habang pinapanuod ang reaksyon ng lalaki.

Napapadyak ang mga paa ni Aeron dahil sa mahigpit na pagsakal sa kanya habang unti-unting nawawalan ng hininga.

Hanggang sa mapatigil siya sa pagtawa nang makitang hindi na nagsasalita ang lalaki.

Tinanggal niya ang panyong nakatakip sa mata nito bago makumpirmang wala na itong buhay. Pinunasan pa niya ang luhang tumulo sa mukha ni Aeron at agad nagsalita.

"Tss. Goodbye Aeron, see you soon in Heav—hell. Sabay tayong masusunog, mauuna ka nga lang," saad niya at lumabas ng kotse.

Napangisi pa siya habang paalis sabay inayos ang kaniyang suot na itim na sumbrero.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon