GC 48

27K 1.2K 2.3K
                                    

Devon Movilla

Ha? what do you mean?

Devon Movilla
Hindi ko gets, malolowbat na phone ko. Punta kana lang dito sa Mall sa tabi ng Frol Museum. Nasa supermarket ako.

Nagpalit kaagad ako ng suot at pumara ng bus upang puntahan ang lugar na sinabi niya. Mabuti na lang at nahanap ko kaagad siya nang makarating ako sa loob ng Mall. 

"O, Zhavie! Tinakbo mo ata rito hanggang sa dorm ah!" natawang sabi niya.

"Nag-bus ako, hehe. Nakita mo ba iyong sinend ko? I-ikaw ba may gamit ng account na 'yon?"

"Huh? Paano mo naman nasabing ako?" tanong niya habang abala sa pagtulak ng cart.

"Look at this..." Pinakita ko sa kaniya 'yong babaeng naka-mirror shot. "..ikaw ba 'to? Kasi mukhang babae 'yong may-ari ng account, e."

"Haha! Z-zhavie naman. You know naman 'di ba, I don't wear ripped jeans saka mas payat 'yan sakin! Look at her body."

"E, ito? Ikaw ba 'yan?" Sunod kong ipinakita sa kaniya iyong huling picture na sinend ni Esaelp Eid.

"Yeah that's me ang dali mo naman akong nakilala kahit may takip haha."

"Oo. Una dahil sa mata mo, pero bakit niya sinend 'yang picture mo? Saka bakit niya tatakpan at bakit mata mo lang 'yong pinakita?" sunod-sunod kong tanong.

"Wait. Patingin ngang mabuti, check ko rin mga convo niyo," natatawang sabi niya sabay hablot ng phone ko.

Ako muna ang nagtulak ng cart dahil abala siya sa phone ko. 

"Ah! So ang unang sinend niya itong si kuyang wet look na long hair at natakpan din 'yong mukha except sa mata, hmm, wrong photo? E.. parehong may takip naman 'yong sinend niya."

"Ay oo nga, ngayon ko lang napansin!" I agreed.

"Gaga, haha! Ay wait, omg! I remember this picture... ang alam ko groupfie 'to e, but cropped na 'tong sinend sa iyo. Hmm, wait saan na nga ba 'to? Tagal na nito e. I think 2 or 3 years ago? Ah! Tama during birthday ni Vinassy!"

"Huh? Sinong Vinassy?"

"My coffee friend haha. Nakilala ko kasi siya sa isang coffee shop."

"Coffee... friend?"

"Yeah," she nooded. "O, 'wag kang magselos syempre ikaw pa rin 'yong bestfriend ko."

"So, itong picture hati 'to? And this picture was taken during Vinassy's birthday party, ganun ba ang gusto mong sabihin?"

"Yes, noong 18th birthday niya. Nagtaka nga ako andoon 'yong pinsan mo, e." ani Devon.

"Ha? Sinong pinsan? Madami akong pinsan," naguguluhan kong tanong.

"Si Stacey. Hello? Siya lang naman ang kilala kong pinsan mo," she laughed. "Pinuntahan mo talaga ako ngayon for that thing? Puwede namang bukas na lang."

"Hehe, naisip ko rin kasing mag-grocery ngayon. Wala na akong stock sa dorm. Bibili na rin pang sinigang. Gusto mo kumain sa dorm?" pag-iiba ko nang usapan.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon