GC 34

25.3K 1.1K 368
                                    

ZHAVIE

Hindi na ako muling nakatanggap ng reply kay Aeron matapos niyang sabihing pauwi na siya. 

Katatapos ko lang magreview dahil exam na bukas. Hays! Siguradong mapipiga nanaman utak ko nito. Wala akong ganang humiga sa kama habang hawak ang phone ko.

Ang ingay nanaman sa GC kaya pinili ko munang tumambay doon upang magpalipas ng oras.

-σκοτώνω-

2nd: Tayo lang ba online?

7th: Ata?

16th: Anong ganap kagabi? Di kasi ako nag online kagabi eh.

15th: Wala naman. Boring nga e. Sino na ba sunod satin? Tapos kana 16th diba?

16th: Oo, si 20th na.

10th: 20th, ano naaaa?

8th: Seen lang siya.

Zhavie: Bakit?

12th: Sunod ka na mamaya ha?

Zhavie: Ha? Anong sunod?

2nd: Mamayang 10pm.

4th: Hi guys! Online ba si Admin?

13th: Hindi eh. Why?

4th: Basta! Hahaha.

7th: offline din sina 6th, 9th at 11th.

13th: Pati si 3rd.

10th: lagi namang offline yon

2nd: Offline din si 11th.

7th: onga, kasasabi ko lang kanina

6th: Hi! Miss niyo 'ko, ano?

15th: Asa. Lol!

16th: Offline din si 14th.

6th: Gaga! Nag leave na nga siya dito diba? Hello?

16th: Ay! Oo nga pala. Btw, bakit ngayon ka lang nag-online?

6th: Wala. May tinapos lang ako. :)

8th: Sipag ah.

Zhavie: Out muna ako. Op ako sa inyo eh.

12th: Ge. Basta mamayang 10pm, ha.

Hindi ko na nireplayan si 12th dahil nawalan ako ng gana matapos mabasang paulit-ulit nanaman sila sa rule na iyon.

Nagluto na lang ako ng simpleng dinner at binuksan ang TV nang matapos ako sa pagluluto.

Napatigil ako sa pag-kain dahil sa balita.

Hindi ako makapaniwala.

Paano nangyari?

"Kalalabas lang na balita. Isang binata, natagpuang patay sa loob ng kaniyang kotse habang nakapulupot sa leeg ang isang dog chain. Nakilala itong si Aeron Villareal, anak ng dating Mayor na si Arthur Villareal. Hindi pa malaman kung sino ang suspek dahil biglang nag-shut down ang mga CCTV sa loob ng parking area, ngunit may isang witness na nakakita umano sa lumabas na suspek mula sa kotse nang nasabing biktima. Narito ang aming panayam sa witness na itago natin sa pangalang Andy," said the reporter.

Witness: Pabalik na ako ng car park para kunin 'yong kotse ko nang biglang may lumabas galing sa isang kotse. Hindi ko nakita hitsura niya dahil nakayuko siya at nakasumbrero, pero nakita kong inayos niya 'yong sumbrero niya kaya lumitaw 'yong buhok niya...

...hindi naman kahabaan, sakto lang mga lagpas tainga. Hindi ko lang matukoy kung babae o lalaki dahil may suot na jacket at pantalon, pero nasa katamtaman lang ang katawan niya at medyo matangkad. Hindi ko na nagawang lumapit dahil sa takot kaya umalis kaagad ako at bumalik dito para sana makibalita.

Agad kong pinatay ang TV dahil sa takot. Hindi ko alam kung totoo ba 'yong mga narinig ko. Ka-chat ko lang si Aeron kanina, tapos ngayon...

...sino namang papatay sa kaniya?

Kinuha ko kaagad ang phone ko at hinanap ang taong pinaghihinalaan kong posibleng may gawa nito.

Sana mali ang hinala ko. Sana hindi siya.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon