GC 28

27.6K 1.2K 880
                                    

11th: Hala nag leave.

2nd: Good luck.

12th: Pinepressure niyo kasi.

11th: 😂

3rd: Let him leave. Let him do what he wants.

13th: Good night guys.

4th: night

6th: Gosh! This night is freaking boring!

Zhavie: Yan! Good! Itulog niyo lang 'yan. Night Night!

Alarm clock ko ang gumising sa akin dahil sa malakas na pagtunog nito. Today's Saturday, walang klase kaya minabuti kong humiga muna saglit dahil masyado pang maaga.

Ang mga chat kaagad ni Devon ang bumungad sa akin kaya agad akong u-moo sa request niyang i-print iyong mga kailangan naming files sa isang major subject dahil hindi pa maayos ang pakiramdam niya.

Sunod kong binuksan ang GC matapos mag reply. Sobrang daming messages kaya tinamad akong mag backread kaya binasa ko na lang ang mga bagong dating na chat hanggang sa napanganga ako sa nakita ko.

Bakit kasama ulit si Aeron dito? Hindi ba't umalis na siya kagabi?

-σκοτώνω-

13th: He's saving you, 14th!

7th: Don't blame us. Hindi pare-pareho ugali ng mga nandito.

14th: Ayuko na nga diuba?! Umalis na sko dito dahil ayuko ns! Bakit kailantgan niyo pa akongg ibalik ulit!

Zhavie: Hala? Sino nagbalik sa kanya dito?

14th: Idk. Ito na kqagad ang bmungad sa akin pagkagising ko. Nahihirapan din akong magbackresd kaya hindi ko alam kung sino.

Zhavie: Sino ba?

12th: Idk. Kagigising ko lang din.

Zhavie: Sino ba nag-add ulit sa kanya?! Nagleave na nga ibabalik niyo pa? Wala talaga kayong awa 'no?

6th: Bakit ba ang daldal mong babae ka ha?!! Kagabi ka pa!

Zhavie: Who u?

6th: Bitch!

Zhavie: Are you describing yourself? Huh?

Zhavie: Huwag mo 'kong binubwisit. Umagang umaga. Di pa ako nakakapag almusal baka ikaw almusalin ko.

15th: *smirks*

Hinayaan ko muna silang magbangayan upang makapaghilamos muna dahil masyado nilang pinapainit ang ulo ko, lalo na si 6th!   

Tinahak ko ang daan papuntang convenience store habang patuloy nagsusulat ng reply sa mga bagong dating na chat. Bakit hindi na lang nila hayaan si Aeron? Hindi talaga sila naaawa sa kaniya! Nagmumukha man akong kontrabida sa GC pero wala akong choice dahil nakakaawa naman talaga.

"Ouch!" Napatigil ako sa paglalakad nang may bumangga sa akin.

Nahulog tuloy ang hawak kong phone, mabuti na lang at hindi nabasag. Ewan ko kung sino ang may kasalanan sa aming dalawa pero ako na ang unang humingi ng tawad.

Tumalikod siya agad kaya hindi ko na nakita ang mukha niya matapos niyang i-abot sa akin ang phone ko. Tinawag ko pa siyang 'kuya' at 'ate' dahil wala naman akong ideya. Balot na balot kasi ang katawan niya. Gusto pa sanang magsalita ngunit hindi niya ako nilingon; patuloy lang siyang naglakad.

Aalis na sana ako pero bigla akong napatingin sa kung anong kumikinang na bagay na nasa paanan ko. Isang silver na kwintas. Kinuha ko kaagad ang kwintas at V ang letrang nakadikit dito.

Sa kanya ba 'to?

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon