GC 8

38.3K 1.6K 369
                                    

"Devon! Check this out! That was the reason kung bakit hindi ako nakatulog kagabi," bungad ko sa kaniya nang makarating ako sa university.

Hearing that, she immediately took off her earphones and walked towards me. Mabuti na lang at wala pa ang instructor namin kaya may mga sarili muna kaming mundo rito sa loob.

"Totoo ba 'to? Super basag head niya! Poor doggie. Cutie pa naman, gosh!" halos hindi niya mailapit ang hawak nitong phone sa mukha.

"Feeling ko nga parang kinuha lang sa Google, e. What do you think?" bulong ko.

"Wait.. what? Bakit nauulit mga pangalan nila saka wala silang surname? Are they using a dummy account or what?"

With that, we decided to check their accounts. Some of them were private, iyong iba naman kaunti lang ang posts at pictures. Mukhang kami lang ata ni 14th ang may matinong format ng pangalan.

"Dyne Dyne, Steph Steph, Rex Rex.. Yna Yna. Ang weird naman! Anong klaseng Facebook account 'to? Pft! Planado ba iyan, Zhavie?"

I was unable to respond. Kung hindi sana umalis sa GC si Stacey—pareho sila ni 14th na may maayos na format ng pangalan bukod sa akin—at may sasagot sana sa mga tanong ko.

The group chat is absolutely creepy and mysterious kaya mapapaisip ka talagang umalis na lang dahil sa mga nangyayari. But, at the same time, you'll also want to stay to find out what's really going on inside. 

Curiosity can kill but it's fun.

"Devon, patingin nga ulit." Sumilip muna ako sa labas bago kunin ang phone sa kaniya.

Members:
Axiel Axiel (1st)
Steph Steph (2nd)
Alex Alex (3rd)
Dyne Dyne (4th)
Yna Yna(6th)
Red Red (7th)
JP JP (8th)
Trix Trix (9th)
Rex Rex(10th)
Vince Vince (11th)
Finn Finn (12th)
Rein Rein (13th)
Aeron Villareal (14th)
Lexxa Lexxa (15th)
Vien Vien (16th)
Zhavie Fuentes (20th)

"Andaming X, ang creepy!" she said, yawning.

"Sana all may X!" biro ko.

Mukhang hindi siya natawa sa sinabi ko kaya hampas lang ang natanggap ko mula sa kaniya. Sabay kaming bumalik sa upuan dahil sa biglang pagpasok ng instructor kaya naghintay lang akong matawag ang pangalan ko sa attendance habang malalim na nag-iisip.

May mga nawawala rin palang GC members bukod kay Stacey.

Nasaan na kaya sila?

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon