GC 45

27.1K 1.2K 1.4K
                                    

Kahit tatlong oras lang ang tulog ko, maaga pa rin akong umalis ng dorm at pinilit bumangon para sa exam. Madaling araw na kasi ako natulog dahil sa pagre-review kahit na walang pumapasok sa utak ko.

Nakakaasar kasi si Axiel! Sobrang paasa! Akala ko pa naman ang bait na niya, huhu. Himala na lang talaga kung bumait si 1st.

Half-day ulit kami ngayon kaya itutulog ko na lang mamaya sa dorm. Mamayang 11 AM puwede na kaming umuwi kaya alam kong makakapagpahinga ako. Iiwasan ko na talagang kunin 'yong mga bagay na inaabot ng iba dahil baka kung ano pa ang laman sa loob at mapahamak nanaman ako.

Umaga pa lang, pero ang dami na kaagad messages sa GC. Wala pa rin akong panahong makipag-usap sa kanila dahil badtrip pa rin ako kay Axiel, hmp!

Dumiretso kaagad ako sa office ng prof ko na napagkamalan akong nangongodigo. Gusto ko siyang kausapin at mag-explain dahil baka bigyan niya pa ako ng chance. Well sana nga mabigyan ako.

Kinakabahan pa ako habang papasok sa loob. Nadatnan ko lang siyang nagkakape kaya nagbigay galang kaagad ako.

"Good morning po," bati ko.

"Sit," panimula niya at malalim na nakatitig sa akin. "What can I do for you, Ms. Fuentes?"

"Uhm.. puwede po bang mag-exam sa inyo ulit? Kasi hindi naman po talaga ako—" pinutol niya kaagad ako sa pagsasalita.

"Shh. I understand. Good mood ako ngayon, so be thankful. Nangodigo ka man o ano, pagbibigyan kita, pero sa isang kondisyon."

Tinignan niya ako pataas pababa matapos siyang magsalita. Kinakabahan ako. Ang lagkit.

"A-ano po 'yon?" napalunok ako.

"Hmmm," he said, rubbing his chin.

"A-ano po?" I asked, looking at his wrist watch.

"Maglinis ka sa 2nd floor. Sa EC, girls' at boys' restroom after ng mga exam mo sa ibang subjects. Kapag tapos ka nang maglinis saka kita papayagang mag-exam sa akin, pero iibahin ko lahat ng nasa examination paper mo," mahinahon niyang sabi.

Phew! Akala ko pa naman kung ano na! Nakalimutan kong pusong babae nga pala siya. Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit pati sa mga lalaki ang lilinisan ko, pero nang maalala kong kaunti lang napapadpad doon, binalewala ko na lang. 

"Sige po, salamat po." Tumango lang siya bilang sagot.

Nakayuko akong naglakad sa corridor  habang nag-iisip. Nakakapagtaka lang dahil kilala siya bilang isa sa mga inconsiderate na professors at hindi kaagad nagbibigay ng chance lalo na kung alam niyang hindi acceptable ang rason mo, pero bahala na ang importante makakapag-exam na ako.

Sinabihan ko si Devon na may kailangan akong gawin dahil inaya niya ako sa cafeteria nang matapos ang ibang exams bago ako dumiretso ng 2nd floor upang maglinis.

Inuna ko ang girls' cr. Pinagtitinginan pa ako ng iba habang naglilinis, iyong iba natatawa at nagtataka. Pakialam ba nila? Nakasalalay dito ang exam ko. Kainis kasi iyong nagbigay ng envelope, hanggang ngayon gigil pa rin ako!

Madali kong nalinis ito dahil kahit papano ay hindi naman gaanong marumi. Isinunod ko ang boys' cr, ito ang floor kung saan kunti lang ang pumupunta upang magbanyo, ngunit na pa-sign of the cross pa rin bago pumasok, baka kasi kung ano ang makita ko.

Pinagtinginan kaagad ako ng mga lalaki kaya inunahan ko na sila sa pagsasalita.

"Inutusan lang akong maglinis, 'wag kayong assuming diyan, wala akong panahong bosohan kayo. Hindi talong ang gusto ko," pagbibiro ko.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon