GC 47

22.3K 1.1K 1K
                                    


You missed a call from Esaelp Eid

Zhavie Fuentes
Bakit?

Zhavie Fuentes
Anong meron ba't tumawag ka?

Bigla ko siyang naisipang i-stalk habang naghihintay ng reply dahil baka makakuha ako ng impormasyon. Sandali akong napatigil nang mapansing may nakalagay na sa profile picture niya.

Bakit ganito? Halos laman ng albums niya ay mga litrato ng cartoon characters na creepy ang mga hitsura. Sunod kong binuksan ang album ng profile picture niya, mabuti na lang at hindi naka-private.

Napahinto ako nang makita ang isang picture na naka-mirror shot. Because of the posture and the length of its hair, it appears to be a woman, but I couldn't see much because she was holding the phone up to her face.

Nag-iba tuloy ang hula ko, mukhang babae nga ang may hawak ng account. Ngunit sino siya? Posible kayang isa siya sa mga GC members?

Huh? Tama ba itong nakikita ko? Bakit may comment si 11th sa picture niya?

[]

2Likes•1Comment•Share

Vince Vince
imu.

Teka, anong ibig sabihin nun? Magkakilala ba sila? Napahinto naman ako sa pag-iisip nang bigla siyang magreply.

Esaelp Eid
;)

Zhavie Fuentes
Babae ka? Nagbackread ako. Ang creepy nang mga sinasabi mo, tsk. Kilala mo ba ako?

Esaelp Eid
yes.

Zhavie Fuentes
Sino ka?

Zhavie Fuentes
At saang sagot 'yong yes?

Esaelp Eid sent a photo

Zhavie Fuentes
Sino yan? Bat may takip nanaman? Ikaw yan? Nung una long hair ka. Eh bat ngayon maikli na buhok mo?

Zhavie Fuentes
Ikaw ba yan? Mukhang hindi naman. Parang magkaiba 'yung unang sinend mo. Pinagtitripan mo ba ako?

Esaelp Eid
Ops, wrong photo.

Esaelp Eid
Ang tanga ko, haha.

Esaelp Eid sent a photo

Zhavie Fuentes
Sino nanaman yan?

Esaelp Eid
Wrong picture ulit.

Esaelp Eid sent a photo

Zhavie Fuentes
Bago nanaman? Baka wrong picture ulit? -_-

Zhavie Fuentes
Sino yan? Babae ba yan? Ikaw yan? Ba't may takip nanaman?

Zhavie Fuentes
Omg! Familliar yung mata.

Zhavie Fuentes
Devon????

Zhavie Fuentes
Devon ikaw ba to???

Zhavie Fuentes
Wag mo ko takutin huhu.

Zhavie Fuentes
Hoy magreply ka!

Esaelp Eid
Haha. Bye :o


Minessage ko agad si Devon dahil alam kong siya iyong nasa pangatlong picture na sinend niya. Active 28 minutes ago siya kaya hihintayin ko na lang magreply. Ngunit hindi ako sigurado kung si Devon iyong naka-mirror shot dahil natakpan ng phone ang mukha.

Posible rin kayang magkakilala silang dalawa ni Devon?

Bumalik muna ako sa GC at nag backread upang malaman kung anong pinag-uusapan nila lalo na't mukhang magleleave na si 15th.

-σκοτώνω-

6th: Bakit?

1st: Why?

16th: May ipapalit ka na?

9th: Bakit ka magleleave?

8th: Wag, 15th.

15th: May mabigat akong rason.

15th: Im sorry but i need to do this.

1st: 15th, Pm me.

15th: Ok admin..

4th: Bat magleleave yun?

10th: Anong nangyayare? Nawala lang ako ng ilang minuto. Fuck.

11th: Baka nagsawa sa jokes ko.

11th: Huhuhuhu.

Zhavie: Corny ka kasi.

11th: Inaaway mo nanaman ako, 20th. Ahuhuhuhu.

Zhavie: Kapag ba magleleave kailangan talaga may ipalit?

16th: Yea.

Zhavie: Paano kung wala?

Zhavie: Anong mangyayare?

11th: Guys napanuod niyo bagong episode ng one piece?

10th: May nilabas na ba?

Zhavie: Nagtatanong ako. Paano kapag walang ipapalit?

12th: Wala bang two piece?

11th: corny mo, 12th

12th: Mana sayo.

Lexxa Lexxa left the group

7th: Hala nagleave talaga.

Nagulat ako sa biglang pag-alis ni 15th. 'Yong iba parang sanay na sila sa ganoong bagay kaya parang wala na lang sa kanila. After a few seconds, a notification popped out kaya tinignan ko kaagad kung sino ang nagchat.

Devon Movilla sent you a message

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon