GC 41

24.8K 1.1K 751
                                    

Mabuti na lang at isang subject na lang ang natira sa araw na 'to. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko kaya minabuti ko na lang sumakay agad ng jeep paglabas ko ng university at agad binuksan ang GC. 

-σκοτώνω-

Zhavie: Ano 'yun?

Zhavie: 143?

11th: I love you.

Zhavie: Ha? Nag I love you ka ba sa'kin?

6th: Bobo. 143 means I love you.

Zhavie: Malay ko ba huhu.

11th: 6th! Huwag ka ngang ganyan kay 20th.

11th: Hi 20th! Kamusta araw mo? Maganda rin ba tulad ng araw ko?

Zhavie: Hindi. Badtrip na badtrip ako, kamalasan lang nangyari sa araw ko dahil sa lintik na papel na 'yun, hehe.

10th: Ikaw lang ang kilala kong minalas pero masaya. HAHAHAHA!

Bigla akong nakatanggap ng reply kay 3rd kaya binuksan ko kaagad ang message niya. Sana naman at magreply ng matino itong taong 'to.

Alex Alex
Where are you?

Zhavie Fuentes
Pauwi na. Why?

Alex Alex
I saw your chats. What happened?

Zhavie Fuentes
Basta, long story.

Zhavie Fuentes
Bakit unexpected naman ata 'yung pag message mo sa akin? Anong meron? Lalo na sa chat mo kagabi na 'keep safe'

Alex Alex
Nothing.

Alex Alex
Take care, bye.

Alex Alex went offline

Zhavie Fuentes
Ay walanju. Hindi na naman sinagot tanong ko!

Devon is calling so I answered right away. Siya lang ata ang pwede kong makausap nang matino ngayon. Nagtanong lang siya kung nasaan na ako dahil gusto niyang dumaan ng dorm ko at sabay na raw kaming maglunch.

Siya na rin daw ang manlilibre ng pagkain kaya lalo akong sumang-ayon. Sino ba naman ang tatanggi sa libre, 'di ba?

Hinintay ko na lang siya sa convenience store malapit sa dorm upang sabay na kaming umakyat ng unit ko sa oras na makarating siya.

"Namiss ko 'tong unit mo," nakangiti niyang sabi nang makapasok kami sa loob. Humikab pa siya sabay bagsak ng katawan sa kama ko.

"Buti ka pa masaya," bulong ko sabay tanggal ng uniform.

"Ay sorry na. Oo nga pala, paano na iyon, zero ka na sa exam?" niyakap niya ang unan ko matapos magtanong.

Isinarado ko ang drawer bago humarap sa kaniya, "Ewan ko, kakausapin ko na lang siya bukas."

"Sino ba kasi nagbigay sa 'yo ng envelope? Napagkamalan ka tuloy nangongopya."

"Oo nga e, nakakaasar! Pinahamak pa ako."

"Sana magawan pa ng paraan. Anyway, pahiram pala ako ng extra t-shirt mo, ha. Init kasi."

She stood up and walked around, hanggang sa mapatigil siya nang makita iyong necklace na napulot ko malapit sa convenience store.

"Naks! Ang ganda naman nito, ang unique tignan. Sa iyo ba 'to o binigay ng admirer mo? Ayie! Ikaw ha, mukhang may 'di ka sinasabi sa akin!" hinampas pa niya ang balikat ko habang natatawa.

"O, ito 'yong shirt. Anong admirer ka riyan? Mukha bang mayroon ako non? Hindi akin 'yan, may nakahulog lang, iyong nakabanggaan ko habang papunta ako diyan sa convenience store sa baba."

"O, akala ko sa iyo. Letter V kasi hahaha! Parang Zha...V!" Ngumisi siya at isinuot 'yong hiniram niyang shirt ko.

Sana all malaki dede.

"Try mo ibenta sa pawnshop, baka may halaga 'yan," dagdag niya.

Sana all may halaga.

Laughing, I scanned her.

Ang ganda talaga ni Devon, grabe! Lalo na sa morena niyang balat at shape ng katawan. Ang sexy! Dapat siya nga 'yong gagawing representative sa Department namin kaso hindi siya mahilig sumali sa mga pageant.

Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan din ang mukha ko salamin. Kahit papaano may tiwala rin naman ako sa mukha ko, 'no. Siyempre gawa ito ng nanay at tatay ko. Hindi rin ako papatalo!

Maputi ang balat ko at matangos ang ilong dahil sa mother side ko, pero namana ko ang medyo pagkasingkit na mata sa father side. Sa usapang height naman, siyempre may ilalaban ako, pero sa katawan payat talaga ako at mukhang hindi na madadagdagan pa ang timbang ko kahit anong kainin ko. Hindi rin magpapahuli ang ipinagmamalaki kong mahabang buhok.

"Tara na, kain na tayo. Sumunod ka na sa kusina," saad ko matapos pagmasdan ang sarili ko.

Ako na ang nag-ayos ng lamesa at nagbukas ng mga lutong ulam na dala niya. Walang natirang kanin kanina, buti na lang at bumili siya.

"Ano name ng bluetooth speaker mo? Pa-connect ako. Naiwan mo 'yong project mo sa room kanina kaya ako na ang nagbigay kay Sir," ani Devon sabay upo.

"Ay oo nga, salamat. I-connect mo sa pinakauna, hehe. Tara kain na gutom na ako."

"Sige. Kung hindi ka pala pinagbigyan bukas, regaluhan mo ng hair gel, 'yong pangpalago ng buhok. Malay mo, pagbigyan ka."

Nabilaukan ako sa sinabi niya kaya agad niya akong inabutan ng tubig. Seryoso ba siya? Baka lalong hindi ako pagbigyan.

"Bwahaha! Number nga, Devon. Dali hahaha!" tawa ko matapos uminom ng tubig.

Napatigil siya sa pag-kain, "Ha? Number? Bakit?"

"Nabilaukan ako e, dali!" I responded, still laughing.

"Hindi ba para iyon sa mga nakagat lang ang dila o labi? Pero sige, number 1."

"1? Letter A? Sino naman 'yung A? Wala akong kilalang A."

"Nagpapaniwala ka talaga roon?" she asked, chewing the food.

"Ay ayun! A? Aeron lang kilala ko e, saka wala na si Aeron, bakit pa niya ako maaalala? Hala! Katakot naman. Ibang number na lang. Magbigay ka ulit, dali!"

"Hmm... 12 na lang," sagot niya. Binilang ko sa kamay ko ang numerong sinabi niya at napasigaw ako sa resulta.

"Letter L? Lander! Ahhh!"

"Hala Zhavie! Naalala ka ni Lander, haha!" sigaw rin niya sabay hila ng mga kamay ko.

Wala akong nagawa kundi kiligin na lang at pigilin ang sigaw, "Sana nga, ang suwerte ko kung ganun."

Napatigil sa pagtawa si Devon kaya napatigil na rin ako at nagtanong.

"Bakit Devon? Nabulunan ka ba?"

"Zhavie, n-nasaan 'yong envelope kanina? Iyong papel na may numbers?" tarantang tanong niya.

"Ha? Bakit? T-teka nasa palda ko."

"Akin na dali! Dalhin mo rito may ideya ako. Kumuha ka na rin ng papel at ballpen," utos niya.

"Ha? O, sige," sagot ko kahit hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang naging interesado roon. Patakbo akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng papel saka ballpen.

Tahimik lang si Devon habang nagbibilang at nagsusulat. Wala akong ideya sa naiisip niya dahil hindi siya nagsasalita kaya nakatingin lang ako sa kaniya.

"Wtf? Bakit goodluck? Bakit ka niya gustong i-goodluck?!"

Nabitawan ko ang hawak kong baso matapos marinig ang sinabi niya.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon