GC 21

36.3K 1.4K 805
                                    

Zhavie: Mukha ba akong nagsisinungaling? Kung ayaw mong maniwala di huwag!

1st: We aren't idiot, 20th. You can't fool me using your dumb skills.

Zhavie: Che! Bahala ka! Matutulog na ako.

1st: Do it, 20th!!

Zhavie: Ay! Talagang gagawin ko kahit 'di mo sabihin. Do it? Go! Matutulog talaga ako! Night!

13th: Ahh. Gets ko na.

6th: Fake, tsk!

Zhavie: Bahala nga kayo! Isipin niyo gusto niyo!

1st: Hey! 20th!

Zhavie: Bye.



Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Sino ba naman kasing hindi sasakit ang ulo dahil sa admin na iyon? 

Lalo pa akong nainis nang ayaw magload ng Messenger. Kung minamalas ka nga naman, o! Napagamit na lang tuloy ako ng browser, mabuti na lang at gumana kaagad.

Si Devon at ibang GC lang ang bumungad sa inbox ko. Well hindi naman na bago iyon at hindi na nakakapagtaka dahil bukod sa mahina ang flirting skills ko, no boyfriend since birth ako.

Hays! Pinanganak lang ata ako para mag 'sana all' sa iba, e.

Minadali kong lumabas ng dorm matapos mabasa ang chat ni Devon. Pinaalala kasi niyang i-excuse ko siya sa terror naming professor na si Mr. Salazar.

Medyo may kalayuan ang dorm sa pinapasukan ko kaya kailangan ko pang mag commute. Ewan ko ba kung bakit mas pinili kong dito na lang sa dorm na 'to manatili samantalang puwede namang doon na lang sa mga dorm na malapit sa university ko, tipid pa ng pamasahe!

Ilang taon na rin ako rito sa all-girls dorm na ang may ari ang isang man-hater na si Ate Badet.

Hala! What if mag-ina silang dalawa ni Axiel? Medyo pareho sila ng ugali, e. Ibig sabihin kamukha ni Axiel si Ate Badet? Shit! I can't imagine.

"Good morning!" bati ko sa babaeng laging lasing na nasa room 212, katabi lang ng unit ko. Mukhang hindi niya na ako napansin dahil sa pagmamadali niya.

Ano na nga ulit pangalan niya? Rhea?

Minsan napapaisip na rin ako kung anong mayroon sa kaniya. Madalas kasi akong marinig ng kalabog mula sa loob ng kwarto niya. Mukhang pareho kaming walang kaibigan dito sa dorm; hindi tulad ng ibang mga babae na madalas bumisita sa unit ng isa't isa.

Nang makarating ako sa sakayan ng jeep, isiniksik ko kaagad ang katawan ko sa loob dahil halos punuan na. Mas ayos na 'to, ang hirap kasing sumakay! Masyadong marami ang taong nag-uunahan. Akala mo may promo sa isang mall, e.

Keri ko naman maging sardinas, mukhang free trial na 'to dahil ngayon alam ko na ang feeling ng mga sardinas sa loob ng lata.

Agad akong napatigil nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

Omg! Totoo ba 'to?

"You can sit here, Zhavie. Sasampa na lang ako sa likod ng jeep," he offered, smiling.

Ah!!! Ang sarap sumigaw!

Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayon si Lander, ang lalaking ilang taon ko ng crush. Jusmiyo! Ang gwapo niya talaga! Kung ganito ba naman makikita ko tuwing umaga at makakasama sa jeep gaganahan talaga akong pumasok!

"Ah.. hindi, huwag na. Okay lang ako. Bababa na lang ako, hehe."

Shy type yarn? Akala ko ba isisiksik natin katawan natin, girl?

"Come on," he insisted. Humawak siya sa braso ko upang pigilan ako. "It's fine, okay? Umupo ka na, aandar na 'tong jeep."

Wala na akong nagawa nang bigla siyang pumunta sa likuran. Napatingin na lang sa kaniya ang mga ibang pasahero lalo na iyong mga babae.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon