GC 31

27.7K 1.2K 216
                                    

Halos hindi maalis ang tingin niya sa sinusundang kotse ni Aeron at mahigpit ang hawak sa manibela habang napapasipol. Kalahating-oras ang itinagal ng byahe bago sila tumigil sa isang simbahan.

Sa kabilang banda ay tahimik lang na pumasok si Aeron sa loob at doon lumuhod upang magdasal. Hindi pa nag-uumpisa ang misa, ngunit napakarami ng mga tao sa loob. 

"Anong pinagdasal mo?" nakangiting tanong nito kay Aeron bago tabihan ito.

Aeron lowered his voice, "Marami."

"Ah.. ano 'yang nakasuot sa kamay mo?" itinuro niya ang bracelet nito.

"Huh? Bracelet rosary 'to. Bakit mo natanong? Hindi mo ba alam kung ano 'to?" nagtatakang tanong ng lalaki.

Napangisi ito bago magsalita, "Wala naman, tanong lang." 

"Ah, ganun ba? Pakitanggal na lang 'yang sumbrero mo. Nasa loob ka kasi ng simbahan." Hindi makita ni Aeron ang hitsura ng katabi niya dahil nakayuko ito at natatakpan ng sumbrero ang kaniyang mukha.

The person next to Aeron laughed because of what he said. Pagkatapos ng ilang segundo, bigla siyang humawak sa balikat nito kaya napagalaw si Aeron dahil sa pagdampi ng maputi at malamig na kamay.

"Sige. Ikumusta mo na lang ako sa kaniya, ha?" nakangiting bilin nito.

"Ikamusta kani—" Hindi na nasagot ang tanong ni Aeron dahil sa biglang pag-alis ng kausap niya.

Sinundan na lang niya ito ng tingin at agad ding binalewala dahil hindi niya mawari kung ano ba talaga ang gustong ipunto nito.

Napuno ng palakpakan ang loob ng simbahan nang matapos ang misa. Agad nakaramdam ng uhaw si Aeron habang palabas ito kaya humanap siya ng pwedeng mabili.

Bumungad sa kaniya ang nagbebenta ng buko juice sa labas ng simbahan kaya nilapitan niya ito.

Napanguso si Aeron habang pinapanuod ang nagbebenta na abala sa paghahati ng yelo gamit ang isang ice pick. Nang makasingit ito ay agad siyang nagsalita.

"Isang buko juice," wika ni Aeron, pero mukhang hindi siya narinig kaya inulit niya ito.

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang nagbebenta ng buko juice at tinanggal ang suot nitong asul na sumbrero bago magsalita.

"Galing ka ng.. simbahan?"

"Oo," Aeron replied.

Nakayuko nitong binasag ang yelo bago muling magsalita.

"Ah.. pinapatawad ba niya ang mga makasalanan?"

Hindi agad nakasagot si Aeron sa tanong sa kanya. Lihim siyang nakonsensya at isa lang ang tanong sa isip niya: mapapatawad nga ba siya?

Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang pawis kaya inabot na lang ni Aeron ang bayad at umalis matapos makuha ang inumin.

Aeron was preoccupied with his phone while walking to the car park. He then stopped for a second when he received a message from Zhavie, asking if he had returned home.

Sinagot lang niya itong pauwi na siya at agad ring itinago ang hawak upang buksan ang kanyang kotse. Nasa kalagitnaan na siya nang paghila nito nang biglang may humawak sa balikat niya kaya agad siyang napatingin sa likuran.

"Sukli mo, naiwan," said the person who just grabbed his shoulder.

"Ah.. thanks!" Aeron smiled as he thanked the vendor. 

Papasok na sana si Aeron sa nakabukas niyang kotse ngunit hindi niya magawa dahil nakahawak pa rin sa balikat niya ang taong nasa likod.

"Papasok na ako sa kotse," anunsyo ni Aeron.

Muli na sanang titingin ito ngunit agad nanlaki ang mata niya nang mapansin kung ano ang hawak ng kausap niya.

"Huwag muna," said the person, coldly.

"Ha? Bakit?" naguguluhang tanong ni Aeron.

"Maglalaro muna tayo," sagot nito at ipinaikot ang ice pick sa kamay nito

"A-anong ibig mong sabihin?" Napalibutan ng takot si Aeron at halos marinig na rin ang malakas na pagtibok ng puso nito dahil sa kaba.

"Do you know how to play hide and seek?" the unfamilliar face grinned.

Sandaling natigil si Aeron bago sumagot.

"Hide and seek? T-taguan? Oo, b-bakit?" he gulped.

"Bibilang ako hanggang sampu. Kaya umpisahan mo nang magtago, Aeron."

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon