GC 59

29.7K 1.3K 2.6K
                                    

Author's Note:
If you love reading or watching BL STORIES feel free to visit and read my first rom-com bl story here on Wattpad.
Title
BL SERIES 1: Chanted Hearts

"Sobrang daming tao, saan tayo uupo?" bulong ko kay Devon.

"Wait," panimula niya. "ayun! Sa puwesto nina Lei."

Nasa pangatlong bench sila kaya agad kaming lumapit. Hindi ko gaanong ka-close sina Lei pero malapit sila kay Devon. Nagkakilala lang kami dahil nakasama ko sila sa isang camping last year. 

"Guys! Hi!" bati ni Devon sa kanila.

"Hello rin sa inyo," ngumiti ako sabay upo sa tabi ni Devon.

"Ang tagal mag start ng game, sana manalo team ni Josh. Go sweety!" sigaw ni Graxie.

"Sino bang kalaban nila? White Castle?" tanong ko dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy niyang 'sweety', iyong boyfriend niya sa kabilang team. I'm also expecting Lander's team dahil apat na team daw ang maglalaro ngayon.

"Oo, ata?" sagot naman ni Lei, iyong babaeng nasa tabi ni Graxie.

"Yes! Yuhoho! Go white castle! Mine, Lander!" I shouted with excitement. 

"Oh my God! You're being possesive again, Zhavie. Hindi lahat ng member maglalaro, damay na 'yang Lander mo. Nakita ko siyang magmamadaling umalis kanina kasi late na akong pumasok," si Graxie.

Ewan ko kung tinatarayan niya ako o ganito lang talaga siyang magsalita. Parang ang laki tuloy ng kasalanan ko, huhu.

Natigil kaming lahat nang magsilabasan ang mga basketball player. Napuno nang hiyawan ang loob, iba't ibang team rin ang sinisigaw ng mga nanunuod. Hinanap ko kaagad si Lander, pero mukhang totoo ngang hindi siya kasama. Bakit kaya? Siya pa naman ang team Captain nila.

Nagulat na lang ako nang may isang babaeng lumapit sa amin at sinenyasan si Devon na umusog ng kaunti upang matabihan niya sina Lei. Nakilala ko kaagad kung sino siya. Si Reign, ang ex ni Lander.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na dati na selos na selos ako sa kanilang dalawa tuwing magkasama sila.

"Hey girls," bati ni Reign sa amin. "Akala ko late na ako, pft!"

"Wala dito 'yong susuportahan mo, mukhang hindi maglalaro," ani Lei.

"David is here. Mukha iba ata nasa isip mong susuportahan ko. E, ikaw? Are you here to support JM?" nanunuksong tanong ni Reign na ikinamula ng mukha ni Lei.

Wait, what? Si JM? As in 'yong kasama sa team ni Lander?

"Hindi, ah. Sinamahan ko lang si Graxie para suportahan boyfriend niya."

"Duh? Bakit ako? Ikaw nga excited diyan para makitang maglaro 'yang manliligaw mong si JM!" Graxie exclaimed.

Napairap na lang si Lei sa panlalaglalg sa kanya kaya natawa kaming lahat. Bakit kaya nadamay si JM? Don't tell me nililigawan talaga siya ng lalaking 'yon? Edi magkumare na kaming dalawa dahil friends sila ni Lander?

"Uhm, Lei. May tanong ako, hehe. Nililigawan ka ba talaga ni JM?" I whispered. Dahan-dahan naman siyang tumango bilang sagot, nahihiya pa.

"Talaga!? Sagutin mo na, pogi naman si JM, mayaman, at mabait pa. Bagay kayo," ngumiti ako, nanunukso.

"Hindi ko alam Zhavie, may part sa akin na gusto ko na siyang sagutin dahil mabait naman talaga siya, sadyang may pagkaloko lang pero na-iintriga ulit ako sa issue na 'yon, e."

"Ha? Anong issue?" gulat na tanong ko. Napalingon sa amin sina Devon dahil sa sinabi ni Lei.

"Hmm, don't tell me Lei 'yang tinutukoy mong issue e iyong..." tumigil si Graxie sa pagsasalita dahil sa pagsingit ni Lei.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon