"Isabella - maayos na ang aking pakiramdam ate Carolina salamat sa pag alalay saakin kagabi, at patawarin Mo ako kong pati sayo nag sinungaling ako, hindi ko sinasadya"

Bago sumagot si ate Carolina bahagya itong Napa ngiti, at hinaplos ang mukha ko, napansin ko naman ang namumuong luha sa mga Mata nito.

"Carolina - wag mo nang isipin yon, pero MA ngako ka na kahit kailan hindi kana mag lilihim sakin, isabella gusto kitang protektahan ngunit pano ko gagawin yon, kong hindi mo sinasabi saakin yang pinag dadaanan mo "

Saglit akong natahimik habang naka titig Kay ate Carolina alam ko namang mahal ako nang kapated ko, kaya tama lang siguro na mag tiwala ako sakaniya at sabihin ang katotohanan.

Hinawakan ko ang balikat ni ate Carolina at deritsong tinitigan ito, kumoha muna ako nang lakas nang loob bago ko sabihin ang lahat sa kapated ko.

"Isabella -  ate Carolina makinig ka sakin tulongan mo ako na wag matuloy ang kasal na wag akong ipadala ni Ina at ama sa espanya "

Bumakas ang pagka bigla sa mukha ni ate Carolina, marahil nagtataka ito kong pano ko nalaman ang tungkol sa pag papadala ni ama at Ina saakin sa espanya.

" Carolina - pa.. Paano mo nalaman ang Plano nila ama at Ina? "

"Isabella - hindi na mahalaga yon ate Carolina, maari mo ba akong matulongan?  Ayukong mag pakasal Kay ginoong. Crisanto mas lalong ayuko pomonta sa espanya at iwan kayo dito at si ginoong. Miguel "

Biglang napa kunot nang nuo si ate Carolina at nagulohan dahil sa sinabi ko.

"Carolina - anong ibig mong sabihin?  Bakit ayaw mong mag pakasal Kay ginoong crisanto sa ama nang dinadala mo?  At bakit nadamay si ginoong. Miguel dito? mag tapat ka nga saakin isabella? "

Saglit kaming binalot nang katahimikan hanggang sa hindi ko napigilan ang mapa hikbi..

"Isabella - hi.. Hindi si ginoong. crisanto ang ama nang dinadala ko, kundi si ginoong. Miguel "

Nanlaki ang mga Mata ni ate Carolina dahil sa katotohanang nalaman, halos isang minuto din itong natigilan habang hindi maka paniwalang naka titig saakin..

"Carolina - ano?  Pa.. Paano nangyari yon?  Matagal nang mag kasintahan si ate Louisa at ginoong. Miguel "

Halos sunod, sunod ang pag patak nang luha ko dahil batid ko ang pagka dismaya ni ate Carolina Dahil sa nagawa kong pag tataksil sa kapated ko.

"Isabella - patawarin mo ako ate Carolina, hindi ko ginustong mangyari to, ngunit inaamin Kong nuon pa man mahal kona si ginoong. Miguel at wala na akong iba pang mamahalin kundi siya lang at hindi ko pinag sisihan ang batang nasa sinapupunan ko "

"Carolina - isabella, pano si ate Louisa alam mo namang halos ikamatay niya ang pagkawala ni ginoong. Miguel, anong mangyayari sakaniya kapag nalaman niya si ginoong. Miguel ang ama nang dinadala mo "

"Isabella - ate Carolina pagod na pagod na akong mag paraya, bata palang kami ni ginoong. miguel nag mamahalan na kami ngunit anong ginawa ni ate Louisa, sinira niya ang tiwala namin ni ginoong. Miguel sa isat isa, ngunit may narinig ba siya?  Pinigilan ko ba ang relasyon nila?  Nag paraya ako, pero nakikiusap ako sa pagkakataong to ako naman ang isipin mo, at Ang batang dinadala ko, pa paano na kami pag nag paraya akong muli? "

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now