pag tatagpo

110 3 0
                                    

chapter 49

Nang makarating ako sa bukana nang mala gubat na harden bigla akong napa hinto nang bigla kong maisip ang sinabi ni ate carolina na dapat iwasan kona ang nararamdaman ko kay ginoong. Miguel ngunit heto ako at nag mamadaling hanapin sila ni ate Louisa bigla tuloy akong naka ramdam nang awa para sa sarili ko, bakit ba kahit pinipigilan ko na pilit paring kumakawala ang damdamin ko ano ang kailangan kong gawin..

Isabella :tama na isabella hindi na tama ang ginagawa mo!
(sita ko sa sarili ko)

Hindi ko napigilang mapa buntong hininga naisip ko nalang na bumalik sa loob nang bahay bago pa ako hanapin ni ama.
Hahakbang na sana ako nang may marinig akong mga yapak galing sa kong saan kaya bigla kong naisip na baka si ate Louisa at ginoong.miguel na ito, ngunit bigla akong may naaninag na isang lalaki di kalayoan sakin nag lalakad ito kong kayat bigla akong kinabahan Dali Dali akong nag lakad papa layo dito nang bigla akong madapa dahil sa sobrang pag mamadali napa upo ako sa damuhan kong kayat hindi ko napansin na papalapit na ang lalaki saakin, halos maiyak ako sa sobrang nerbiyos nang makita kong biglang lumapit ang lalaki sakin kaya sisigaw na sana ako nang bigla nitong takpan ang bibig ko..

Crisanto :binibini wag kang sisigaw, hindi ako masamang Tao, anak ako nang isa sa mga panaohin nang may Ari nang haciendang to..

Nang marinig ko ang sinabi nang ginoo ,unti unti akong huminahon at napa tango dito kaya agad niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko..

Isabella :sino ka?  At bakit ka narito sa madilim na parte nang harden?

Crisanto: bago kita sagutin binibini maari bang tumayo ka muna riyan?

Oo nga pala naka upo parin pala ako sa damuhan kaya agad akong tumayo at pinag pagan ang damit ko at muling hinarap ito.

Isabella : ngayong naka tayo na ako maari mo na bang sabihin sakin kong anong dahilan kong bakit ka naririto?

Crisanto : nag papa hangin lang ako, eh ikaw bakit ka narito sa madilim na harden?  Isa kang binibini dapat nasa loob kalang nang bahay maliban nalang kong may katagpo ka?

Hindi ko napigilang taasan ito nang kilay dahil sa sinabi nito.

Isabella :wala akong katagpo, hinahanap kulang ang ate Louisa ko..

Crisanto :ah ganun ba?  Wala naman akong ibang taong nakita dito, malamang wala sila dito.

Isabella :ah ganun ba?  Oh siya babalik na ako sa loob, naiwan na kita..

Aalis na sana ako nang bigla akong harangan nang ginoo kaya nagulat ako at bahagyang napa atras.

Crisanto: binibini sandali maari ko bang malaman ang iyong pangalan?

Wala naman sigurong masama kong sasabihin ko kong sino ako.

Isabella :ako si isabella Monte. Gracia

Nang marinig nang ginoo ang pangalan ko bigla itong napa ngiti.

Crisanto :isa ka sa mga anak ni don. Joselito tama ba ako?

The Untold LoveStory Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz