kasundoan

97 3 0
                                    

Kabanata -59

Pababa ako nang hagdan nang marinig kong may kalesang dumating, nang maisip kong baka si ginoong. Crisanto and lulan nang kalesang kakarating lang agad akong bumaba para salubongin ito, ngunit bigla akong napa hinto nang makita kong papasok na nang bahay si ginoong. Miguel.

Saglit akong natigilan at seryusong napa titig dito, ngunit agad koring binawi ang Aking tingin nang mag tama ang aming mga Mata at naramdaman ko ang malakas na pag kabog nang aking dibdib.

Pinilit kong pag takpan ang kabang aking nararamdaman kaya ngitian ko ito nang tipid at nilapitan.

"Isabella - masaya akong makita kang bumalik ginoong. Miguel, salamat at tinupad mo ang iyong pangako "

Bago sumagot tinanggal muna ni ginoong. Miguel ang suot na sombrero at itinapat ito sa dibdib bilang pag bigay galang sa binibini.

"Miguel - alam kong batid mo ang dahilan kong bakit ako naririto at bumalik binibini, hindi dahil sa ate Louisa mo kundi dahil sayo "

Dahil sa sinambit nito pakiramdam ko saglit na tumigil ang mundo ko, pero agad din akong naka bawi sa pagka bigla at seryusong tinitigan ito nang masama para iparating dito na hindi ko nagustohan ang mga sinabi nito.

" Isabella - tumigil ka ginoong. Miguel hindi mo dapat sinasabi ang mga bagay na iyan, pano nalang kong may naka rinig sa mga sinabi mo ano nalang ang iisipin nila? "

Nakita kong mapait na Napa ngiti si ginoong. Miguel sakin kong kaya't pakiramdam ko ay kinukurot ang aking puso dahil sa kirot.

"Miguel - pag takpan mo man ang tunay mong nararamdam ngunit hindi mo ito matatago sa pamamagitan nang iyong mga Mata "

Bigla akong napa lunok at mas lalong iniwas ang mga tingin dito dahil baka nahahalata nito sa mga Mata ko ang tunay kong nararamdaman para dito.

Sasagot pa Sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni ate louisa kaya agad ko itong nilingon at nakita kong patakbo itong bumaba para lapitan si Ginoong. Miguel.

"Louisa - mahal kong Miguel bumalik ka"

Agad na niyakap ni ate Louisa si ginoong Miguel nang mahigpit, batid kong labis itong na ngulila sa lalaking minamahal, kaya kahit masakit masaya ako dahil babalik na ang dating masigla at masayahing ate Louisa na nakilala ko.

Tatalikod na Sana ako para bigyan nang panahong makapag sarilinan ang dalawa nang bigla akong tawagin ni ate louisa, kaya agad ko itong sinulyapan.

"Louisa - Isabella kapated ko maraming salamat sa pag tupad nang pangako mo, Tatanawin ko itong malaking utang na loob habang akoy nabubuhay salamat sa pag balik nang taong pinaka mamahal ko "

Habang pina pakinggan ko ang Bawat katagang binibintawan nang ate louisa ko, pakiramdam ko unti unting dinudurog ang puso ko dahil sa hapdi. Ngunit hindi ko pweding ipakita sa mga ito kong gaano ako labis na nasasaktan ngayon, kahit gusto nang tumolo nang mga luha sa mga Mata ko pinilit ko itong pigilan at bahagyang napa ngiti dito.

"Isabella - wala kang dapat ipag pasalamat sakin ate louisa alam kong batid mo naman kong gaano kita kamahal kong kaya't lahat gagawin ko para sumaya ka lamang "

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon