pag lisan

130 5 0
                                    


Chapter 27

Bago pa mag bago ang isip ko agad konang inimpake ang damit ko para bumalik na nang manila nang hindi alam ni juan.
Buo na ang disisyon ko na layoan nalang si juan bago pa masira ang buhay niya nang dahil sakin.
Sobrang sakit pero kailangan kong kayanin dahil mas hindi ko makakayang makita si juan na naheherapan at ang buong pamilya niya.

Pagkatapos kong mag impake agad kong kinatok si gio sa kwarto nito para mag pahatid sa airport buti nalang hindi pa siya tulog kaya agad siyang pumayag na ihatid ako.
Alam kong nag tataka si ito kong bakit biglaan ang Ali's ko pero hindi siya nag tangkang tanongin ako.
Tahimik lang ako sa biyahe at napansin ko panay sulyap ni gio sakin alam kong nakaka halata na ito pero hindi ko pweding sabihin ang totoong dahilan kong bakit kailangan kong umalis nang hindi manlang nag papa alam kay juan.

Pagdating ko nang airport agad ako kumoha nang ticket para sa first flight at agad narin ako nag paalam kay Gio.

Belle :Gio thank you sa pag hatid sakin dito, and thank you din dahil sa maikling panahon naging magkaibigan tayo..

Gio:don't mention it belle, talaga bang aalis kana?  May emergency ba sainyo?  Pano si juan?  Siguradong mag aalala yon pag nalaman niyang umalis kana..

Bago ko sinagot si Gio hindi ko napigilan mapa buntong hininga..

Belle :maiintindihan din ni juan ang dahilan kong bakit ako umalis, gio ikaw na bahala kay juan sana magka bati na kayo at sana gabayan mo siya bilang kuya niya alam kong kailangan ka niya..

Gio:asahan mo belle na gagawa ako nang paraan para magka ayos kami ni juan na dapat sana noon kopa ginawa, mag iingat ka sa manila ah, sana bumisita ka ulit dito..

Belle : sige.. Sana.. Mag iingat din kayo salamat ulit..

Pagkatapos ko mag paalam kay gio agad na akong pumasok sa departure area para sumakay sa eroplano..
Mas lalong bumigat ang loob ko nang tuloyan nang lumipad ang eroplano dahil wala nang atrasan to Hindi kona talaga makaka sama si juan kahit kailan, hindi kona napigilan ang umiyak sa loob nang eroplano wala akong pakialam kong ano man ang isipin nang mga katabi ko e sa masakit talaga parang unti unti akong pina patay nang sakit tuwing iniisip ko na si miss. Haelyn at juan ang talagang magkaka tuloyan hanggang sa huli.
Pero mas nasasaktan ako kapag iniisip ko ang mararamdaman ni juan kapag nalaman niyang umalis ako nang hindi niya alam at walang ano mang paliwanag..

Pagdating ko nang manila agad akong dumeritso sa bahay at nag kulong sa kwarto alam kong nag tataka na si papa at chino sakin dahil simula nang dumating ako hindi na ako lumabas nang kwarto ni hindi pa ako kumain buong araw, wala akong gana pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Kinagabihan naka higa lang ako sa Kama habang walang humpay ang pag agos nang luha ko nang marinig kong may kumatok sa pinto malamang si papa at chino lang yan kaya hindi ko nalang sinagot dahil hindi ko alam kong pano ko ipapaliwanag sakanila kong bakit ako nag kakaganito.
Maya maya ay nagulat ako nang biglang bumokas ang pinto at nakita ko si papa at marie naka tingin sakin kaya agad ako napa bangon at  pinonasan ang luha ko nakita ko si papa na parang awang awa sakin pero nginitian niya lang ako na parang gusto niyang iparating sakin na ma aayos din ang lahat.
Nang maka labas si papa nang kwarto agad akong nilapitan ni marie at niyakap kaya agad na namang umagos ang luha ko at halos MApa hagolgol na ako para mailabas ko ang lahat nang sakit na nasa dibdib ko.

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now