hinayang

96 3 2
                                    


Chapter 30

Kinagabihan natapos narin ang unang araw nang charity work tumolong kami mag tayo nang mga tent para sa tutulogan namin at nang ibang volunteer, nakita korin si juan na nag tayo nang tent niya at nang tent nang babaeng kasama niya mukhang close sila kaya hindi ko napigilan MA inggit dati close din naman kami pero hindi na ngayon! bigla ko tuloy siyang na miss pero no!  Hindi kona dapat iniisip yon didma lang tulad nang ginagawa niya sakin ilang beses akong dumaan sa harap niya parang hindi niya lang ako nakita..

Gabi na pero hindi parin bumabalik si andrew samin, pinag tulongan narin namin ni marie itayo ang tent niya sa tabi nang tent namin para makapag pahinga na siya pagka balik niya malamang pagod yon sa dami nang mga box na binaba nila sa track..

Iniwan ko muna si marie sa tent namin dahil pagod na daw siya kaya ako nalang ang nag hanap kay andrew sa paligid, habang nag lalakad ako hindi ko napigilang mapatingin sa paligid baka maka salubong ko si juan at baka mataranta na naman ang puso ko kapag nakita ko siya, naka hinga lang ako nang maluwag nang masigurado kong wala siya malamang kausap na naman niya ang babaeng kasama niya.

Hahakabang na sana ako nang bigla akong natigilan nang makita kong makaka salubong ko si juan may bitbit itong mga box, eto na nga ba ang sinasabi ko anong gagawin ko ngayon sasalobongin ko ba siya o tatalikod nalang para maka iwas..
Pero bago pako maka galaw nataohan nalang ako nang makita kong nasa harap ko na pala siya at seryusong naka tingin sakin kaya bigla akong napa lunok..

Juan:can u help me?  Baka kasi bumagsak yong box sa taas, magaan lang naman to..

Belle :ha?  Ah sige!

Patay malisya ko nalang kinuha ang box na naka patong sa box na hawak niya, magaan nga kaya hindi ako naherapan bitbitin ito.

Belle :ahm saan ba to dadalhin?

Juan:don sa may brgy. Hall nila mga supply to nang gamot na kararating lang ngayon..

Hindi ko napigilan manibago kay juan dahil parang normal lang sakaniya kausapin ako.

Belle :ganun ba!

Juan:follow me..

Agad nalang akong tumango at tahimik na sumonod sakaniya.
Habang nag lalakad kami para akong tanga dahil pilit kong pinipigilan ang kaba ko pakiramdam ko kasi parang umakyat na lahat nang dugo ko sa mukha dahil sa tinse na naramdaman ko..

Medyo malayo ang brgy. Hall nang sitio sa quarter namin kaya napa daan pa kami sa medyo madilim na part pero hindi naman nakaka takot dahil maraming Tao sa paligid ang mas kina katakotan ko eh yong baka bigla ko nalang sunggaban si juan lalo Nat madilim ang dinadaan namin ngayon bahala anong isipin niya pero sobrang na mimiss ko na siya..
Nataohan ako sa pag iisip nang naramdaman kong bomangga ako sa likod ni juan kaya napa atras ako, takang taka naman akong hinarap ni juan..

Juan: ganyan kana ba ngayon katahimik?

Belle :ha?  Ah hindi naman..

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now