inis

320 6 6
                                    


Kabanata-61

Halos mag uumaga na, nang bumalik ako sa aking silid na dala ang kapayapaan sa aking puso, pagkatapos Kong ipag tapat ang tunay kong nararamdaman Kay ginoong. Miguel, at tungkol sa magiging anak namin, may parte nang puso ko ang nag uumapaw ang kaligayahan at may parte rin na sobrang nagugulohan at natatakot dahil sa bagong suliranin na aking ginawa.

Tanghali na nang magising ako, at pagka mulat na pagka mulat nang mga Mata ko agad kong naalala ang pag tatagpo namin ni ginoong. Miguel at ang matamis nitong halik, kong kaya't hindi ko napigilang mapa ngiti at Napa hawak sa tiyan ko.

"Isabella - anak ko ngayong kasama na natin ang ama mo sa Laban na kakaharapin natin ,gusto Kong pareho tayong maging matatag para makamtan natin ang kaligayahan na pina pangarap ko kasama ang ama mo"

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko kaya naisip kong bumangon na, at para harapin ang mga magulang ko, bago umalis si ginoong. Miguel napag usapan namin na kailangan kong kumbinsihin si ama at Ina na hindi na ituloy ang kasalan at ang pag papadala nila saakin sa espanya habang si ginoong. Miguel ang gagawa nang paraan para ipag tapat sa lahat na siya ang ama nang dinadala ko at ako talaga ang minamahal nito at Hindi ang ate Louisa ko.

Kakatapos kulang mag ayos nang sarili ko nang marinig ko ang mahihinang katok sa pintoan nang silid ko.  Dahan dahan akong lumapit sa pinto para alamin Kong sino ang nasa labas nang aking silid nang marinig kong si tesa ang nasa likod nang pinto agad kong binoksan ito.

Pagka bukas nang pinto agad kong nakita si tesa na may dalang pagkain kaya agad ko itong pina tuloy at isinira ang pinto.

"Tesa - binibini buti at gising kana heto ang pagkain kumain kana, alam kong hindi kapa kumain kagabi "

"Isabella - salamat tesa, siya nga pala nasaan si ama at Ina?  Kailangan ko silang makausap"

"Tesa-  naku binibini maagang umalis ang iyong ama at Ina para mag tungo sa tahanan nila ginoong. Crisanto, ang  dinig koy makikipag usap ang mga ito tungkol sa nalalapit niyong kasal "

Hindi ko napigilang mapa buntong hininga talagang gumagawa na nang paraan ang mga magulang ko para hindi madungisan ang pangalam namin dahil sa nangyari sakin ngunit hindi ko hahayaan matuloy ang kasal.

"Isabella - tesa  si ate Carolina nasaan siya? "

"Tesa - ang alam ko nasa loob lang nang silid niya si binibining Carolina simula kagabi hindi parin ito lumalabas "

" isabella - ganun ba?  Tesa pwedi bang mamaya kona kakainin yan, kailangan ko munang pontahan ang ate Carolina ko "

"Tesa- ngunit binibini ...-"

Hindi na natapos ni tesa ang sasabihin  dahil agad akong lumabas nang silid at  deri deritsong pomonta sa kwarto ni ate Carolina, hindi kona nagawa pang kumatok dahil kailangan ko na itong makausap, pag pasok ko nang silid nito nakita kong nasa harap nang tukador niya si ate Carolina at sinosuklay ang mahaba nitong buhok, nang makita ako nitong pumasok agad nitong binitawan ang suklay at nilapitan agad ako.

"Carolina - isabella, ano?  Maayos na ba ang iyong pakiramdam?  Labis akong nag alala sayo kagabi "

Hindi ko napigilang mapa ngiti nang makita ko ang labis na pag aalala ni ate Carolina saakin.

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon