necklace

150 5 0
                                    

chapter 11

Kinabukasan pagka gising ko napa bangon agad ako nang makita kong wala na si marie sa tabi ko agad ko din hinagilap ang phone ko at tiningnan ang oras at nanlaki ang mata ko nang makita kong pasado na alas 10 nang umaga..

Belle :hala? Dapat 8 gising na dapat ako ,ano ba naman to bat hindi ako ginising ni marie....

Natatarantang pumasok agad ako nang CR para maligo at halos wala pang 5 minutes tapos na agad ako at dali daling nag bihis ni hindi panga ako naka pag suklay nang buhok nang lumabas ako nang kwarto.

Nang maka labas ako nang kwarto agad kong nakita sila marie sa dining kumakain kaya naka hinga ako nang maluwag akala ko kasi iniwan na talaga nila ako..

Agad akong na upo sa tabi ni marie na bz parin sa kakain nang sinangag at tuyo kaya ni hindi manlang ako napansin sa tabi niya. ..

Belle :beshie hoy bat dimo ako ginising?

Muntikan pang MA bulonan si marie nang Napa lingon ito sakin kaya agad kong inabot sakaniya ang tubig nang matapos itong uminom agad ako nitong hinarap..

Marie :buti naman at gising kana kanina kapa kaya namin hinihintay gigisingin na nga sana kita kaso sabi ni Mr. Alfonso hayaan na muna daw kita matulog dahil mukhaang masama ang pakiramdam mo simula pa kahapon..

Nagulat ako sa sinabi ni marie sakin kasi hindi ko inakala na may konsoderasyon din pala ang judgemental na lalaking yon.

Belle :talaga? Sinabi niya yon?

Marie :yezz beshie at mukhang concern siya sayo kasi ipinag belin ka pa niya sakin na pakainin daw kita pag gising mo..

Hindi ko napigilan MA touched dahil sa sanabi ni marie pero bakit bigla nalang bumait ang lalaking yon.

Belle :ano kayang masamang ispiritu ang pumasok sa Mr. Alfonso na yon at bigla siyang naging concern sakin?

Nakita kong napa kunot ang noo nang kaibigan ko habang naka tingin sakin na para bang sinasabi niyang ako pa yong hindi maka appreciate sa concern nang lalaking yon...

Marie :beshie bakit ba ang init nang dugo mo kay Mr. Alfonso? Concern na nga yong Tao sayo tapos ikaw pa yong nag tataray diyan..

Belle :pano naman kasi beshie, nagka sagutan kami kagabi sabihin ba naman sakin na broken hearted ako kaya parang wala ako sa sarili!

Agad na napahinto sa pag subo si marie at agad na binaba ang kutsara para harapin ako..

Marie :OMG? Talaga beshie? Sabagay hindi ko naman masisisi si Mr. Alfonso dahil sa totoo lang napapansin korin na madalas ka nang tulala at malalim nang iniisip pero never ko inisip na broken hearted ka kasi alam ko naman na wala kang boyfriend ever since, pero beshie nakaka bother kana!!

Hindi ko alam kong maiinis ba ko sa kabigan kong to dahil pati siya Gina judge nadin ako, pero tama naman siya nakaka bother naman na talaga ako at kahit ako mismo na ba bother narin sa sarili ko lalo yong nangyari kagabi, yong nakita ko si Mr. Alfonso na naka suot nang kamisa de chino tapos sa isang iglap naka hoody jacket na ito..

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon