Gusto kita

110 5 0
                                    


Chapter 45

Habang nag hihintay kami nang hapunan, inilibot muna ako ni angelita sa mansion  nila habang si ginoong. Miguel pomonta muna ito sa silid niya dahil may kukunin daw muna ito.

Dinala ako ni angelita sa silid aklatan nila para ipakita saakin ang mga bagong libro nito, at hindi ko maiwasan ang mapa hanga dahil sa laki nang silid aklatan nang mga ito.

Isabella :ang daming libro, nabasa muna ba ito lahat angelita?

Angelita :hindi gaano, ang totoo niyan binibini, si kuya miguel ang mahilig mag basa katulad mo, madalas siyang nag kukulong noon sa silid na ito, pero alam mo kong anong naka pag tataka, dati rati hindi naman ito mahilig mag basa, ang gusto talaga kasi nito ay ang mag pinta..

Nagulat ako sa sinabi ni binibining. Angelita at hindi korin napigilang mapa isip kong sino ang nag impluwensya dito para mag basa nang libro, dahil sigurado akong hindi si ate Louisa iyon, hindi mahilig mag basa si ate louisa ang hilig nito ay ang mag luto at mag borda samantalang si ate carolina mahilig ito mag tanim nang bulaklak at tomogtog, saaming tatlo ako lang naman ang mahilig mag basa, hindi kaya ako ang dahilan  kong bakit nahilig sa pag babasa si ginoong. Miguel pero ayuko namang isipin na ganun nga, kaya pinilit ko nalang iwaksi ito sa isip ko.

Isabella :ganun ba, siguro dahil naisip niyang mas nakaka tulong ang babasa para magkaroon nang mas marami pang karunongan..

Angelita :kong sabagay tama ka, ah binibini maari ba kitang iwan muna dito sa silid aklatan titingnan kulang kong tapos n mag luto si Ina, mag basa ka muna..

Isabella :sige walang problema..

Agad nang lumabas si angelita at naiwan akong mag isa kaya nag hanap ako nang libro na pwedi kong basahin muna, habang nag hahanap ako may nakita akong kakaibang libro na naka agaw nang pansin ko pero nasa itaas ito nang istante at kailangan kopang pumatong para makuha ito, pero wala akong makitang upoan na pweding patungan kaya pinilit ko nalang abutin ito ngunit hindi ko kaya susuko na sana ako, nang maramdaman kong may biglang lumapit sakin sa likod at nakita ko ang kamay niya na inabot ang librong pilit kong inaabot kanina pa, ngunit laking gulat ko nang makita kong si ginoong. Lorenzo ang lalaking nasa likod ko kaya agad akong lumayo nang bahagya dito.

Isabella :ginoong. Lorenzo ikaw po pala..

Lorenzo :nagulat ba kita, binibini?
                   paumanhin..

Isabella :ah hindi ayus Lang, hindi lang kita napansin dahil masyado akong abala sa pag kuha nang libro..

Lorenzo :ito ba iyon binibini?

Agad akong napa tango dito, at iniabot naman niya ito sakin kaya kinuha kona ito..

Isabella :salamat ginoo..

Lorenzo :bakit ka nga pala nag iisa dito?  Asan na si angelita?  O miguel bakit ka nila iniwan mag isa rito?

Isabella : ah..  Si angelita nag paalam titingnan niya raw kong naka handa na ang haponan, samantalang si ginoong. Miguel may kinuha sa silid niya pero ayus lang..

The Untold LoveStory Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt