pag -amin

108 4 0
                                    

Chapter 57

Kinagabihan..
Simula nang malaman kong nag dadalang Tao ako hindi na ako lumabas nang silid, hindi ko parin lubos maisip na nabuntis ako nang hindi ko alam kong sino ang ama, wala namang nababanggit si ate Carolina na may kasintahan ako ,at ang pinaka masaklap sa lahat alam ni ginoong. Miguel na nag dadalang Tao ako.

Isabella :panginoon tulongan mo po sana akong malagpasan ang suliraning to, gulong gulo na ang isip ko naheherapan akong tanggapin na magiging Ina na ako nang hindi ko man lang alam kong sino ang ama nang magiging anak ko..

Bigla akong napa tigil sa pag dadasal nang sumagi sa isip ko na baka hinalay ako, ngunit agad koring iwinaksi ito sa isip ko.

Isabella :imposesbleng hinalay ako hindi papayagan ni ama yon, ngunit paano ako nabuntis?  Sino ang kasintahan ko? 

Muli akong natigilan nang bigla kong maisip si ginoong. Miguel, ngunit naisip kong mas imposible na may mangyari saamin dahil si ate Louisa ang kasintahan nito, napahawak ako sa ulo ko dahil gulong gulo na talaga ako nang biglang bumokas ang pinto at nakita ko si tesa na nag mamadaling pumasok at lumapit saakin.

Tesa :binibini may kailangan kayong malaman.

Isabella :ano yon tesa?

Tesa :si ginoong miguel naririto siya at may pina paabot siya para sainyo.

Nang marinig ko ang sinabi ni tesa bigla akong kinabahan, nakita kong may kinuha ito sa bulsa niya isang papel at inabot sakin agad ko namang itong kinuha para basahin ang mensahe.

"-binibini hihintayin kita sa kampanaryo sana bigyan mo ako nang pagkakataong mag paliwanag.

Nakikiusap- ginoong. Miguel "

Makikipag kita saakin si
ginoong. Miguel? para mag paliwanag tungkol sa ginawa nito kay ate Louisa at ito na ang pagkaka taon para MA kumbinse ko siya na balikan si ate Louisa, wala na akong pakialama kong ano man ang nararamdaman ko para dito, ang mahalaga ngayon ay maayos ko ang suliranin ni ate Louisa para MA ayos ko narin ang suliranin kinakaharap ko rin.

Agad akong bumaba nang Kama at kinuha ang balabal ko upang umalis nang bigla akong hinarangan ni tesa.

Tesa :binibini aalis kayo?

Isabella : oo tesa kailangan kong makausap ang ginoo..

Tesa :pero binibini ipinag bilin ni ginoong. Crisanto hindi kita pweding iwan kaya sasamahan na kita..

Isabella :wag na dito ka nalang.. Kaya kona..

Hindi kona hinintay na sumagot si tesa at agad na akong lumabas nang silid, wala sa loob nang bahay si ginoong. Crisanto at padre. Sito kong kayat naka labas ako nang bahay nang walang problema..

Habang nag lalakad ako paponta sa kampanaryo sa tabi nang simbahan hindi ko mapigilan ang sobrang kaba na nararamdaman ko, hindi ko alam kong saan ko sisimulan pakiusapan ang ginoo upang balikan ang ate Louisa ko at iwan ang bagong kasintahan nito..

Pagdating ko sa kampanaryo hindi agad ako pumasok sa loob nito, saglit akong napa tayo sa harap nang pintoan at hindi ko napigilang mapa buntong hininga upang kumoha nang lakas nang loob na harapin si ginoong. Miguel..

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon