paraya

121 4 0
                                    


Chapter 40

Nang makita ni ate carolina na namumuo ang mga luha sa mga Mata ko, agad niya akong hinila paponta sa kusina nang walang nakaka pansin dahil pare parehong abala ang mga ito batiin ang isat isa..

Pagdating namin nang kusina agad akong binitawan ni ate carolina at hinarap na para bang nag aalala ito at nag tataka..

Carolina :isabella ano ba talagang nangyayari sayo? Bakit mo tinawag na juan si ginoong. Miguel at bakit ka umiiyak?

Hindi kona napigilan ang pag patak nang luha ko, dahil sa sobrang sakit nang naramdaman ko lalo na nang malaman kong magka sintahan si kuya at ang lalaking kamukha ni juan..

Isabella :ate carolina, si.. Si ginoong Miguel siya si juan yong lalaking mahal ko..

Kitang kita ko ang pagka gulat sa mukha ni ate Carolina at napa iling ito..

Carolina :isabella hindi tamang umiibig ka sa kasintahan nang ate louisa,at kailan pa nangyari to? Eh hindi ko naman kayo nakikitang magkasama o magkausap ni
ginoong. Miguel ang totoo niyan sa tuwing dadalawin niya si ate Louisa sino sungitan mo ito kaya pano nahulog ang loob mo sakaniya?

Dahil sa sinabi ni ate carolina biglang pumasok sa alala ko nong isang beses na dumalaw si ginoong. Miguel sa bahay ay pinag sarhan ko ito nang pinto at naabotan ako ni ate louisa sa ginawa ko kaya inis na inis niya akong sinaway, ngayon kulang na na pag tanto kaya pala hindi kami ganun ka lapit sa isat isa dahil siguro sa mga ginawa ko..
Pero nagugulohan parin ako kong magka sintahan si ate Louisa at ginoong. Miguel iba ang nasa alala ko hindi kaya isang panaginip lang ang lahat? Pero bakit pakiramdam ko totoong minahal ako nang lalaking kamukha ni
ginoong. Miguel .

Isabella :ang to too niyan, hindi ko talaga alam ate carolina nagugulohan ako, hindi kona alam bakit ganito ang naramdaman ko..

Nakita kong, awang awa na napatingin si ate carolina sakin kaya hinawakan niya ako sa kamay..

Carolina :makinig ka sakin aking kapated, hindi ko alam kong akong nangyayari sayo pero sana, yang naramdaman mo kay ginoong. Miguel nakikiusap ako pigilan mo yan at kalimutan dahil baka sa huli ikaw ang lang ang masasaktan, bata pa si ate Louisa at ginoong. Miguel mahal na nila ang
isat isa kaya impossibleng magustohan ka ni ginoong. Miguel.

Mas lalong umagos ang mga luha ko dahil pakiramdam ko walang saysay ang nararamdaman ko ngayon, baka nga tama si ate carolina kalimutan ko nalang yon, dahil baka nga isang masamang panaginip lang yon..

Isabella :pasensya kana ate carolina kalimutan mo nalang ang sinabi ko at sana satin satin nalang yon..

Nakita kong agad na napangiti nang bahagya si ate carolina at pinunasan ang luha ko..

Carolina : wag kang mag alala itatago ko ang sekreto mo, ayusin mo na ang sarili mo at lumabas na tayo at baka hinahanap na nila tayo..

Kahit naheherapan parin ako paniwalaan na isang panaginip lang ang lahat nang nasa alala ko pero kailangan ko na itong kalimutan alang alang sa ate Louisa ko..

The Untold LoveStory जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें