pag babalik

93 5 0
                                    

Chapter 58

Pag balik ko nang bahay ni padre sito agad kong nakita si ginoong. Crisanto sa tapat nang pinto at sa tingin ko hinihintay ako nito, kaya agad ko siyang nilapitan..


Isabella :ginoo?

Agad akong nilapitan ni ginoong.crisanto at biglang nag alala nang makita nitong magang maga na ang mga Mata ko sa kakaiyak.

Crisanto :binibini anong nangyari sayo?  Saan kaba galing? Nang pinontahan kita sa kwarto mo,
wala kana ang sabi ni tesa lumabas kalang daw ,saan kaba nag ponta at bakit ka umiiyak?

Dahil sa bigat nang kalooban ko hindi ko napigilang yakapin si ginoong. Crisanto alam kong nagulat ito ngunit naramdaman kong bahagya nitong tinapik tapik ang likod ko..

Crisanto : kong ano man ang dahilan nang pag iyak mo asahan mong handa akong makinig saiyo binibini..

Nang mahimas masan ako sa kakaiyak inalalayan ako ni ginoong. Crisanto na pumasok sa loob nang bahay at hinatid sa silid ko..

Habang naka upo ako sa Kama pilit akong pina patahan ni ginoong. Crisanto ,hindi parin ako maka paniwala sa lahat nang nalaman ko..

Isabella :paumanhin ginoo kong
pinag aalala kita palagi..

Crisanto :binibini wag mo nalang alalahanin yon ang importante ngayon ay umayos ang iyong pakiramdam, ngunit saan kaba nanggaling?

Bago ko sinagot ang ginoo, napa isip Muna ako nang malalim Kong sasabihin ko na ba sakaniya ang dahilan nang aking labis na pagka lungkot at pag hihinagpis, siguro nga oras na para malaman nito ang katotohanan at dahil may tiwala naman ako dito, bahala na kong huhusgahan man ako nito ngunit alam hindi mababaw na Tao si ginoo kaya umaasa akong maiintindihan niya rin ako..

Bago ako nagsalita napa hugot muna ako nang malalim na pag hinga at malungkot na napa tingin kay ginoong. Crisanto..

Isabella :nakipag tagpo ako kay ginoong Miguel at nakiusap na balikan ang ate Louisa ko..

Crisanto :ganun ba?  Ano ang sabi nang ginoo babalik ba siya sa ate Louisa mo?

Malungkot akong napa tango sa ginoo ngunit nakita ko ang pag tataka sa mukha nito.

Isabella : malamang nag tataka ka kong bakit malungkot ako gayong pumayag naman ang ginoo na balikan ang ate Louisa ko.

Crisanto :ganun na nga binibi hindi bat dapat maging masaya ka dahil maayos na ang problema mo sa ate Louisa mo?

Hindi ko na naman napigilan ang pag tulo nang aking luha  nang maalala ko ang sinabi ni ginoong Miguel.

Isabella : ginoo gusto kong MAngako ka na hindi mo sasabihin sa pamilya ko na..  Na kaya umalis si ginoong. Miguel para iwan ang ate Louisa ko dahil.. Dahil saakin.

Agad na bumakas ang pagka bigla at pag tataka sa mukha nang ginoo kaya dahan dahan akong napa tango dito para kompirmahing tama ang narinig nito..

Crisanto :ikaw?  Pero bakit ikaw binibini?  Maari ko bang malaman ang dahilan?

Bago ko sinagot ang ginoo crisanto pinonasan ko muna ang mga luhang kanina pa pumapatak sa mga mata ko at pilit na pinalakas ang loob ko upang masabi ko  dito ang katotohanan..

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon