book 2- truth behind those dream

145 4 0
                                    

Chapter 39

"Ito na po yong book 2 nang
Story sana magustohan niyo
Lahat nang naka sulat sa kwentong to ay pawang kathang isip lamang, lugar at pangyayari."

I made my own
Music video
Of

"The Untold Love story "
So please like
Thank you
*__________________________________*

Year 1902.
Panahon nang pagsakop nang amerikano sa pilipinas.

Bigla akong nagising sa mahimbing na pagkaka tulog,kong kayat bigla akong napa bangon sa Kama at napa hingang malalim, agad kong hinawakan ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito maya maya ay bigla kong na alala ang nangyari, nabangga ako nang kotse..
Agad kong tiningnan ang sarili ko wala naman akong pasa o kahit na anong sugat sa katawan maliban sa sakit nang ulo, bigla akong naka ramdam nang matinding kalungkotan nang bigla kong MA alala si juan na umiiyak sa harap ko, malamang sobra itong nag alala sakin, kailangan ko siyang makita.
Agad akong bumangon sa Kama pero natigilan ako nang MA realize ko na parang may kakaiba sa kwartong to pati sakin..

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto at takang taka ako dahil bakit nasa lumang kwarto ako at bakit ako naka suot nang barot saya..
Isa na naman ba ito sa mga pakulo ni juan? Pero bakit niya gagawin to, eh alam niya naman na na aksidente ako sa araw nang kasal namin.
Nagugulohan na ako kaya naisip konang lumabas sa lumang silid na to, pagka labas ko tahimik ang buong hallway kaya dahan dahan ako nag lakad hanggang sa maka kita ako nang hagdan, habang pababa ako nagulat din ako sa itsura nang bahay, para siyang lumang mansion pero mukhang alagang alaga talaga dahil makikintab pa ang mga gamit at kahoy.

Pagka baba ko nakita kong paroot parito at mukhang bz ang lahat nang Tao sa bahay na to, pkaya hindi ko alam kong sino ang Una kong lalapitan lalo Nat wala akong kilala ni isa man sakanila, pero ang ipinag tataka ko bakit maka luma din ang soot nila, ang effort naman nang surprise nila sakin.

Hahakbang na sana ako para lumabas nang bahay nang biglang may tumawag sakin mula sa likod ko.

Carolina:Isabella gising kana pala..

Bakit ,Isabella ang tawag niya sakin eh, isabelle lang naman ng pangalan ko, kahit nag tataka ako agad kong nilingon ang babaeng tumawag sakin.
Nang makita ko ang babaeng nasa likod ko hindi ko napigilan mapa ngiti dahil kamuha nito ang mama ko hindi kaya kamag anak siya ni mama.

Nataohan ako sa pagka tulala nang maramdaman kong hinawakan ako nang babae sa kamay..

Carolina:buti naman at gising kana, alam mo bang nag alala kaming lahat sayo lalo na si amat ina..

Ha? Nag alala? Bakit? Ah malamang dahil sa aksidente pero sino si amat Ina? Bigla na naman akong nagulohan..

Isabella:teka lang, si.. Sino si Ina? Alam ko may tatay pako pero matagal nang patay ang mama ko..

Dahil sa sinabi ko biglang napa hawak sa bibig Niya ang babae na parang gulat na gulat dahil sa narinig.

Carolina:Isabella hindi tamang sinasabi mo ang mga bagay na yan kay Ina..

Napa kunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya at mas lalong nagulohan kailangan ko munang malaman kong nasaan ako at kong nasaan si juan..

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now