pangako

95 5 0
                                    


Chapter 53

Nagising ako nang marinig ko ang malalakas na katok sa pintoan  at naririnig ko ang boses ni ate carolina na tinatawag ako at parang nag mamadali ito, napa tingin muna ako sa labas nang bintana at nakita kong madilim na pala bigla kong na alala, dahil sa kaka iyak ko naka tulog pala ako at Gabi na ako nagising.

Pagka bukas na pagka bukas ko nang pintoan kitang kita ko agad ang pag alala sa mukha ni ate carolina kaya bigla akong nag taka..

Carolina : isabella si ate Louisa ayaw buksan ang pintoan kahit si ama at Ina ayaw nang kausapin..

Bigla akong naka ramdam nang matinding kaba dahil sa sinabi ni ate carolina kaya agad akong lumabas nang silid at pomonta sa silid ni ate Louisa ngunit papalapit palang ako nang makita ko si ama at Ina na pilit bino buksan ang pinto at umiiyak na si Ina kong kaya agad ko itong nilapitan..

Isabella :Ina ano ang nangyari kay ate Louisa?

Donya. Devina : hindi ko pa rin alam anak ngunit ayaw kaming pag buksan nang inyong ate Louisa natatakot akong baka kong ano na ang naisip nitong gawin dahil sa sobrang kalungkotan..

Mas lalo akong kinabahan nang bigla kong maisip ang maaring gawin ni ate Louisa kaya agad akong lumapit sa pinto nang silid nito at kinatok nang paulit ulit..

Isabella :ate Louisa pakiusap buksan mo ang pinto..

Ilang minuto na kaming kumakatok ngunit hindi talaga nito bino buksan kong kaya't naisip ni ama na sirain nalang ang pintoan, pina layo ako ni ama sa pintoan at bigla nitong sinipa ang pinto kaya agad itong bumokas at halos patakbo kaming pumasok sa loob..

Halos gumoho ang mundo namin nang makita naming naka handusay na sa sahig si ate Louisa at bumubula ang bibig tama ang hinala ni Ina, nag tangka itong kitilin ang kaniyang buhay.

Nakita kong agad na nilapitan ni Ina si ate Louisa at mas lalong lumakas ang pag iyak nito..

Donya devina :Louisa anak pakiusap gumising ka..

Don. Joselito: carolina mag patawag ka nang mang gagamot  Humihinga pa ang kapated mo kilangan natin siyang MA iligtas.

Halos taranta namang lumabas nang silid si ate carolina upang sundoin ang mang gagamot, ako naman ay halos manlumo habang tinitigan si ate Louisana walang Malay, sobra akong nahabag dahil sa nakikita ko hindi ko akalaing maga gawa iyon ni ate Louisa ang kitilin ang sarili niyang buhay, marahil ganun niya ka mahal si ginoong. Miguel kong kayat hindi siya nag alinlangan na mag tangkang mag pakamatay..

Pagdating nang manggagamot pinalabas muna kami ni Ina sa kwarto ni ate Louisa at sila lang ni ama ang naiwan sa loob, bumalik nalang muna ako sa aking silid at patuloy na nag dasal na sana maka ligtas ang ate Louisa ko sa tiyak na kapahamakan.

Naka upo ako sa Kama at hawak, hawak ang Rosaryo at walang tigil sa pag dadasal nang biglang pumasok si ate carolina na umiiyak parin at bakas ang pag aalala sa mukha nito..

Nang maka lapit si ate carolina saakin ay bigla ko itong niyakap at umiyak nang umiiyak gusto kong MA ilabas ang bigat sa aking dibdib, pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kong bakit nag tangkang mag pakamatay ang ate Louisa at para akong nilalamon nang konsensya ko ngayon nag aagaw buhay ito.

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now