till death do us part

112 4 0
                                    


Chapter 38

Lumipas ang ilang buwan na maayos naman ang buhay namin ni Juan at araw araw masaya kami Kaya laking pasasalamat ko na sa wakas naging maayos na ang lahat.

Nag mamadali ako ngayon pomonta sa sa bahay dahil napa tawag si chino sakin na hinimatay daw si papa, malamang dahil sa pagod sinabi ko nang isugod sa ospital pero ayaw ni papa dahil simpleng hilo lang daw yon..

Pagdating ko sa bahay agad akong bumaba sa kotse at halos patakbong pumasok sa gate nang maka pasok ako sa bahay nagulat ako nang makita kong naka patay lahat nang ilaw kaya, kinabahan na ako agad kong kinuha ang phone ko para tawagan ulit si chino dahil baka sinugod na sa hospital si papa..
Nakaka ilang dial na ako pero naka patay ang phone ni chino kaya naisip kong tawagan si Juan at laking pasalamat ko nang mag ring ito, pero hindi nito sinasagot hanggang sa may narinig akong pamilyar na tunog, wait ringtone ni Juan yon ah, agad kong hinanap ang tunog hanggang sa tuloy tuloy na akong pumasok sa bahay, maya maya ay biglang lumiwanag ang paligid at biglang may pumotok kaya napa takip agad ako nang tenga dahil sa sobrang pagka bigla ngunit na realize kong confete pala ang pumotok dahil may mga confete nag sisi liparan sa eri, agad kong inikot ang  paningin ko at hindi ko napigilang mapa ngiti dahil maraming bulaklak ang naka kalat at nahulaan kong surprise party ito pero, among meron?  Hindi ko naman birthday.
Natigil ako sa pag iisip nang biglang lumabas si papa sa kitchen at naka ngiti sakin may dala itong white roses na ini abot sakin agad ko naman itong kinuha..

Belle :papa anong meron bakit may pa surprise, surprise pa kayo?

Papa:wag ako ang tanongin mo basta mag hintay kalang..

Sasagot pa sana ako nang biglang lumabas si chino mula din sa kitchen at may dala din itong white flowers na iniabot sakin kaya agad kong kinuha..

Belle: pati ikaw, infairness effective ang pag e inarte mo sakin sa phone ah..

Chino : I have too ate para umowi ka nang maaga..

Belle :teka lang ano bang nangyayari?  Akong meron?

Chino:basta!

Nahinto ang pag uusap namin ni chino nang lumabas si andrew na may dala ding white roses kaya natawa ako pati siya nasali sa surprise, maya maya ay si Marie naman ang lumabas at may dala ding bulaklak kaya nag tataka na ako, hanggang sa biglang lumabas si gio at nag abot din nang bulaklak sakin, nag simula na akong kabahan dahil isa isa nang lumabas ang pamilya ni Juan si angel nA tudo ngiti sakin at ang parents nito na hindi napigilang yakapin ako, ano ba talaga ang nangyayari, naiiyak na ako dahil sobra akong na o overwhelmed sa effort nila para e surprise ako..

Pino punasan ko ang luha ko nang biglang tumogtog ang isa sa favorite song namin ni Juan ang
"Unat huling pag ibig"

agad kong hinanap si Juan sa paligid dahil for sure siya ang nag patogtog non pero hindi ko siya makita, hanggang sa bumokas ang pinto kaya napalingon ako at nakita ko si Juan na hawak hawak ang white roses na painting..

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now