pag Lisan

101 3 0
                                    

Chapter 51

Pagka tapos naming mag lakad lakad ni ginoong. Crisanto bumalik na kami sa ilalim nang puno nang narra kong nasaan sila ate Louisa at ginoong miguel, habang papalapit kami nakita kong magka hawak  kamay ang mga ito ,kaya hindi ko napigilang maka buntong hininga para maibsan ang kirot na naramdaman ko tuwing tinititigan ko sila, at nang maka lapit kami nakita kong pa simpleng binitawan ni ginoong. Miguel ang kamay ni ate Louisa at umiwas nang tingin saakin may kakaiba tuloy akong naramdaman dito.

Hapon na nang ihatid kami nang mga ginoo sa tahanan namin ,at pagdating namin nang bahay agad akong pomasok sa silid ko dahil kanina kopa naramdaman ang bahagyang pagka hilo kaya agad akong napa higa sa Kama at bahagyang ipinikit ang mga Mata ko ngunit bigla kong naramdaman ang matinding pagka antok kong kayat hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako..

Nang magising ako unti-unti kong idinilat ang mga Mata ko ngunit laking gulat ko nang MA pag tanto kong wala ako sa aking silid
Inilibot ko ang paningin ko, at nakita kong nasa isang silid ako na puting puti ang mga ding-ding at may mga kakaibang upoan sa paligid at lahat bago sa paningin ko, nasaan ako?  Anong lugar to?  Sinubokan kong bumangon ngunit laking gulat ko nang makita kong may naka lagay na karayom sa kamay ko at naka konekta ito sa isang bote na may tubig, bakit ako naka ganito?  Dahil sa sobrang nagugulohan na ako mas lalo kong inilibot ang paningin ko para humingi nang tulong ngunit mas ikinagulat ko nang makita si ginoong. Miguel naka upo ito isang mahabang upoan at tulog ngunit bakit kakaiba ang kasuotan niya bakit hindi siya naka kamesa de chino at ang buhok niya kakaiba, si si ginoong. Miguel ba talaga siya? 
Maya maya unti-unti nag dilim ang paningin ko at nawalan nang Malay..

Napa bangon ako mula sa isang kakaiba at nakaka gulat na panaginip, agad akong napa tingin sa paligid ko para siguradohing nasa loob ako nang aking silid at naka hinga lang ako nang maluwag nang makita kong nasa silid kopa ako at wala naring karayom na naka kabit sa kamay ko bigla ko tuloy na yakap ang sarili ko..

Isabella :ano ang ibig sabihin nang mga panaginip na iyon, bakit lagi kong kasama si ginoong. Miguel?  Talaga bang may koneksyon kami sa isat isa hindi bilang mag kaibigan?

Hindi ko napigilang mapa iyak dahil nalilito na naman ang isip at puso ko dahil sa mga panaginip na iyon..

Hindi ko namalayan ang oras gabing Gabi na pala nang magising ako mula nang maka tulog ako kanina malamang, Hindi na ako ginising nang mga ito para sa hapunan, pinilit ko bumalik sa pag tulog ngunit hindi na ako maka tulog kaya bumangon ako nang biglang may bumato nang isang papel na naka kusot at nilagyan pa ito nang bato para maihagis ito sa bukas kong bintana, nong Una nagulat ako kaya hindi ko agad kinuha ang papel ngunit bigla din bumangon ang kuryusidad ko kong anong naka sulat sa papel at sino ang nag bato nito sa kwarto ko, dahan dahan kong kinuha ang papel at tinanggal ang bato para mabasa ko ang naka sulat, nang mabasa ko ang naka sulat bigla akong kinabahan at napa tingin sa bintana ko ngunit wala na doon si ginoong. Miguel, muli kong binasa ang naka sulat para maka sugurado..

" binibini hihintayin kita sa harden
- ginoong. Miguel "

Agad akong lumabas nang silid ngunit pinilit kong mag dahan dahan upang hindi ako mahuli dahil sa pag labas ko sa dis oras nang Gabi, pagdating ko nang harden hindi ko agad nakita si ginoong. Miguel kaya saglit akong napa tayo nang bigla akong maka rinig nang mahihinang yapak palapit sakin kaya agad ko itong nilingon at nang makita ko si ginoong. Miguel biglang tumibok nang mabilis ang puso ko at hindi ko MA ipaliwanag ang saya ko dahil pinontahan ako nito at hindi ang ate Louisa ko..

The Untold LoveStory Where stories live. Discover now