ligaya

99 6 0
                                    

chapter 46

Kinabukasan masigla akong gumising dahil magkikita kami ni ginoong. Miguel sa sapa malapit sa hacienda minsan ko nang nakita ang sapang yon nang madaanan namin ito ni ate carolina papontang bukid.
Pagka baba ko agad akong dumeritso sa kusina para sana tulongan si ate Louisa sa pag luluto nang makita kong gising narin si ate carolina at tumotulong din ito sa pag hahanda nang agahan kaya napa ngiti ako sa mga ito at masiglang binati..

Isabella :maganda umaga sa mga ate kong magaganda...

Halos sabay napa lingon ang mga ito saakin at napa ngiti..

Carolina :aba mukhang maganda ang gising nang aming bunsong kapated ah..

Louisa :oo nga mukhang ang saya mo ngayon may nangyari bang maganda saiyo kapated ko?

Dahil sa tanong ni ate Louisa bigla akong nag alangan sa pag ngiti, gusto ko mang sabihin sakaniya ang totoo pero baka, Mali ang isipin niya dahil sa pag kikita namin ni ginoong. Miguel kaya nag isip nalang ako nang ibang dahilan.

Isabella : a..  Wala naman ate Louisa maganda lang talaga ang gising ko ngayon lalo Nat nakita ko kayong dalawa..

Louisa :ganun ba kami man ay maganda ang gising mukhang sabay sabay tayong mag hahanda nang agahan para kay Inat,ama..

Carolina :o siya sige na simulan na natin baka magising na ang mga iyon..

Agad ko silang tinulongan mag luto nang agahan,  mas lalong sumigla ang umaga ko dahil parang ngayon kulang naranasan makasama ang dalawa kong kapated sa ganitong sitwasyon, yong magkaka sundo kami at masayang nag tutulongan, nakaka gaan nang loob.

Kina tanghalian, sumama ako kay ate Carolina papontang bukid pero kailangan kong bumaba malapit sa sapa ngunit bago ko magawa yon kailangan kong ipaalam kay ate carolina na mag kikita kami ni ginoong. Miguel, subalit na ngangamba ako na baka bigyan nang ibang kahulogan ni ate carolina ang pakikipag tagpo ko kay ginoong. Miguel kaya kinakabahan ako ngayon na mag paalam sakaniya.

Isabella :a.. A.. Ate carolina?

Carolina :ano  yon kapated ko?

Isabella :aa.. Ano kasi may sasabihin ako sayo?

Carolina :ano yon?

Sobrang  kinakabahan talaga ako na mag paalam kay ate carolina pero kailangan kong gawin ito kaysa tumakas nalang ayukong mag alala sila sakin, kaya bago ako mag salita kumoha muna ako nang lakas nang loob..

Isabella :ate carolina, maari ba akong pomonta sa sapa? 

Nakita kong napa kunot noo si ate carolina sakin kaya napa ngiwi ako at alam ko nahahalata niya ang pagka balisa ko dahil sa seryusong titig nito sakin ngayon mas lalo tuloy nadagdagan ang kaba ko..

Carolina :poponta ka sa sapa?  Pero ikaw lang mag isa?  Wala kang kasama delikado baka mamaya may masasamang loob na naroon sa sapa at baka ano pang masamang mangyari saiyo..

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon