Kabanata 18: Kamatayan

97.9K 3.6K 1K
                                    

Kamatayan

Buwis buhay na naman akong tumakas palabas ng bahay. Sumakit ang mga daliri ko sa paa dahil sa pag-tiptoe ko.

Buti na lang talaga at nagamot na ni Scion ang sugat ko kung hindi, duguan akong lalabas.

Pero sandali, may gano'n pala siyang kapangyarihan? Parang hindi ko pa 'yon nasusulat sa libro? Sa dami ba naman nang nangyayari ngayon sa buhay ko, hindi ko na maalala 'yong mga sinulat ko.

"Scion asan ka na ba kasi?"

Nilabas ko ang phone ko para i-seach sa google kung saan gumagarahe ang taxi ni kuyang rapist. Baka nandoon si Scion at aabangan niya si kuya.

Nawala na sa isip ko kanina na dalhin siya sa presinto para kasuhan. Diniretso na kasi ako ni Liam sa bahay nila at kung maka-disctract naman kas siya, wagas. Patitig titig pa siya! Gusto niya talagang mahulog na naman ako sa kanya pagkatapos sasaktan na naman niya ako.

Bakit kaya gano'n 'yong ibang mga lalaki? Akala mo sa kanila lang umiikot ang mundo. Kapag namatay naman ang tao, pare-pareho lang kaming ililibing o susunugin.

Speaking of patay, sana lang talaga h'wag patayin ni Scion 'yong driver na 'yon. Kahit pa nakagawa siya ng malaking kasalanan sa akin, hindi pa rin tama na patayin siya. May tamang proseso para sa mga kriminal at pwede pa naman siguro silang magbago sa prisinto.

Sabi nga ng lola ko, lahat ng tao ay mabuti, meron lang talagang hindi magandang mga pangyayari sa buhay kaya nakakagawa ng kasalanan ang iba.

Mahaba haba na rin nag nilakad ko. Ayon sa google maps, dalawang kanto na lang at makakarating na ako sa garahe.

Kanina ko pa rin nararamdaman na may sumusunod sa akin pero hindi ko na lang pinahalata na kinakabahan ako. Binilisan ko na lang ang lakad ko.

Ang hirap sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam kung normal na tao ba 'yong sumusunod sa akin o isang kagaya na naman ni Guison na may kapangyarihan.

Pagkatapos ng dalawang kanto ay nakita ko na ang malaki at bagong garage. Kulay puti ang buong gusali. Bukas pa ang mga ilaw pero wala ng tao sa paligid.

Tumakbo na ako papunta sa loob at hindi ako nagkamali ng makita ko si Scion na nakatayo sa harapan nung driver.

"Scion!"

Lumingon siya sa akin pero napahinto agad ako dahil sa itsura niya. Kulay dilaw na ang bilog sa mga mata niya. Para siyang isang lobo, pati na rin ang panggigigil niya parang anytime may kakagatin siya. Tumaas agad ang mga balahibo sa katawan ko at nakaramdam ako ng kakaibang panlalamig, para akong nasa freezer.

"Maawa kayo sa akin," tinignan ko si kuya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Butlig-butlig na ang pawis sa buong mukha niya at namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata niya. "Miss, patawarin mo ako sa ginawa ko! Sobrang pangungulila ko lang kasi sa asawa ko. Susuko ako sa pulis pero please h'wag niyo akong patayin!"

"Tumahimik ka!" Rinig sa buong garahe ang boses ni Scion. Ramdam mo talaga ang galit niya. "Isa lang ang kaparusahan na nararapat para sa'yo at 'yon ay ang mamatay!"

Itinaas ni Scion ang kanang kamay niya. May asul na ilaw na unti-unting namumuo sa itaas ng palad niya. Parang 'yong napapanuod ko lang sa TV, para siyang si Son Goku.

Tumakbo agad ako papunta sa harapan niya, "Scion, tama na!"

Matangkad siya kaya kailangan ko pang tumingala para makita siya diretso sa mata niya. Sigaw ako nang sigaw pero hindi niya ata ako naririnig dahil matulis pa rin ang tingin niya kay kuya. Iwinawagayway ko na nga ang dalawang kamay ko sa mukha niya pero para na siyang istatwa na hindi gumagalaw.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon