Eleven - (The Eden kind of revenge!)

Start from the beginning
                                    

"Hoy anong binubulong-bulong mo dyan?"

Tiningnan ko si ate at binigyan sya ng isang inosenteng ngiti.

"Wala po~"

"Whatever."

Nye nye. Nilihis ko ang mukha ko at nag-makeface.

"Anyway, kamusta naman yung mission impossible mo?" biglang bago nya ng topic. Pinaglaruan ko ang chips sa bowl gamit ang daliri ko at sumimangot.

"Tinuturing na 'kong malapit na kaibigan ni Selena at alam kong magaan na rin ang loob nya sa'kin. Para na kaming inseperable bestfriends ngayon kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala."

"Good. Oh, eh bat ka nakasimangot dyan?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka kinunot ang noo ko. Nakatitig parin ako sa chips na pinaglalaruan ko.

"Kasi meron talagang isang mantsa na hindi maalis-alis! Ang asungot na Jiro na 'yon..." nanggigil ang lahat ng internal organs ko kapag naaalala ko ang lalaking yun. Isang linggo na 'ko sa school at ilang beses nya na 'kong napagtripan!

Nandyan yung bigla akong babanggain, itutulak, papatirin, babatuhin ng lukot na papel, at mga verbal abuse nya! Mabuti nga at hindi sya umaabot sa physical abuse dahil hindi nya gustong tuluyang magalit ng sobra sa kanya si Selena. Hindi ko alam kung anong trip ng bwisit na lalaking yun sa buhay nya! Mga walang magawa! Mga kulang sila sa aruga, lalo na si Jiro! Bwisit sya.

"Anong ginawa sayo ni Jiro?" tanong ni ate at bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Tiningnan ko sya at binigyan ng maliit na ngiti.

"Wala naman. Swerte nya naman kung magawa nya 'kong kantiin 'no!" matapang na sabi ko pero sa totoo lang ayoko lang pagaalahanin si ate. Nang makita kong napahinga sya ng maluwag ay nakaramdam rin ako ng relief.

"Mabuti naman kung ganon. Pero bakit naman tila galit na galit ka sa kanya? Threatened ka?" may halong pangma-mock ang huling tanong nya kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Threatened ka dyan! Sa bakulaw na yon? No way! May sarili akong charms 'no! Wala akong pake kung mas matangkad, mas athletic at mas mayaman sya! Tsk." yamot na pinagkrus ko ang braso ko at pinaningkit ang mga mata ko, "Pero talagang masyadong madikit ang lokong yun kay Selena! Masyado syang persistent! At alam mo bang sinabihan nya pa 'ko ng punggok na bakla?! Hindi naman ako maliit, matangkad lang talaga sya!"

"Anong balak mong gawin?" nakataas ang isang kilay na tanong ni ate.

"Revenge." mariing sabi ko.

"Revenge? Pfft."

Kumunot ang noo ko, "Anong nakakatawa?"

"Maghihiganti ka kay Jiro? Alam mong di hamak na mas malaki sya kumpara sayo, tingin mo anong magagawa mo laban sa kanya? Hmm?"

Mas lalo akong napasimangot.

"Alam ko naman yun! Aware ako sa height difference namin! Alam ko kung anong pinagkaiba naming dalawa. Alam ko kung gaano kalayo ang gap namin sa isa't isa. Alam na alam ko yun! Pero gusto ko paring makaganti sa kanya ate!" salubong ang kilay na sabi ko sabay pakawala ng isang buntong hininga.

Natawa ng bahagya si ate.

"Sige nga.. may naisip ka na bang paraan para makaganti sa kanya?" naghahamon ang tonong tanong nya.

Hinalukay ko naman ang utak para hanapin akong sagot sa tanong nya pero kahit anong gawin ko, kahit isa-isahin ko pa ang ugat ko sa utak at brain cells ko... sa huli wala akong nahanap.

Desperadong hinawakan ko ang kamay ni ate sabay nagmakaawa sa kanya, "Tulungan mo 'ko, ate! Anong dapat kong gawin para makaganti kay Jiro???"

Hinaplos nya ang ulo ko na parang aso sabay labas ng isang ngiti.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now