Chapter 1

9.3K 481 88
                                    

Chapter 1


TITUS


Mabilis akong napadilat ng aking mga mata nang marinig ko na may kumakatok sa aking bintana na gawa sa kahoy. Agad akong bumangon at binuksan ito. Nakita ko sa ibaba ng bintana si Nanay Agatha na dala-dala ang isang mahabang kahoy na may bakal sa dulo na ginagawang pangkatok sa mga kahoy ng bintana ng lugar. Suot-suot niya ang isang lumang besdita na gawa sa katsa o ang sakong pinaglalagyan ng harina. Dala-dala ang isang basket na naglalaman ng mga gatas ng baka na nakalagay sa babasagin na bote.

"Magandang umaga po Nanay Agatha, maraming salamat po sa paggising niyo sa akin." nakangiting pagpapasalamat ko habang kinakawayan niya.

Ngumiti ito "Walang anuman Titus-iho, mag-aalasais na. Kailangan mo nang kumilos upang makapunta sa selebrasyon sa bayan." pagpapaalala niya.

Tumango ako at dali-daling nagpalit ng damit. Mabilis akong bumababa sa aking kwarto upang makapag-almusal na. Sumalubong sa aking ang isang lamesa at tatlong upuan na gawa sa kahoy. Napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ito. Para noong bata ako, kumpleto pa kaming tatlo na nag-aagahan.

Inayos ko na lamang ang aking kakaining tinapay at ang gatas na nakahanda sa labas ng aking pinto. Dali-dali akong kumain dahil ito na ang pinakahihintay kong kaganapan sa buong buhay ko. Ngayon araw ay ang selebrasyon ng taun-nan na pagbibigay ng mga Grimoire o isang libro kung saan naglalaman ito ng mga inkantasyon upang magamit ang mahika.

Mabilis akong lumabas ng aking bahay kung saan nakita ko ang iba't-ibang binata na papunta na sa hilagang direksyon ng lugar. Agad kong pinagmasdan ang paligid, nagtatanawan ang mga kababaihan sa mga bintana sa itaas na bahagi ng kanilang bahay. Hindi ko maiwasan na mapakagat ng aking pag-ibabang labi, buti pa sila may nagpapalakas ng loob nila.

"Tignan mo, ayan nanaman siya. Ikatlong-taon na niya ito..." rinig kong pag-uusap ng isang binata sa katabi nito habang naglalakad ako papunta sa bayan.

Tumawa ng mahina ang kausap nito "Oo nga, tatlong-taon na rin siyang naghihintay na makakakuha siya ng Grimoire! Nakakaawa ang nilalang na 'yan." sagot niya.

"Oo nga! Hindi man lang niya namana ang mahika ng mga magulang niya."

Napayuko na lamang ako at tahimik na binaybay ang kalsada na gawa sa mga pinagdikit-dikit na makikinis na tipak ng bato. Wala naman na masamang sumubok, baka hindi lang talaga ako karapat-dapat na makakuha ng Grimoire nitong mga nakaraan taon. Saka nararamdaman ko ngayon na bibigyan ako ng Grimoire. Sana talaga makakuha ako para matuto na rin akong gumamit ng mahika. Para sundan ang yapak ng aking mga magulang.

Nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad papunta sa bayan kung saan gaganapin sa dambana ng mga Grimoire ang selebrasyon. Habang palapit ako ng palapit sa tulay na gawa rin sa pinagdikit-dikit ng makikinis na bato, mas lalong dumarami ang tao.

Dito sa aming lugar, ang syudad ng Slavia na sakop ng imperyo ng Wistalia matatagpuan ang isang dambana na nalalaman ng napakaraming Grimoire. Nag-iisa lamang ito sa buong imperyo kaya dito nagpupuntahan ang mga taga-ibang syudad. Naniniwala ang mga mamamayan na dito sa syudad namin nagsimulang magkaroon ng mahika.

"Nandito na iyong sinasabi ng mga magulang ko na taun-taon ng nagpupunta sa dambanang ito upang makakuha ng Grimoire." rinig kong wika ng isang binata sa hindi kalayuan nang makarating ako sa tapat ng dambana.

Tumawa ang kausap niya "Oo nga, sabi ng Ina ko hindi raw niyan namana ang mahika ng mga magulang niya." sagot nito.

Hindi ko na lamang sila pinansin at pinagmasdan ang buong lugar. Ang dambana ng Grimoire ay isang tore na bloke ng mga pinagdikit-dikit na makikinis na bato. Ang ibabaw nito ay animo'y isang pantay-pantay na ngipin na may puwang sa isa't-isa. Sarado pa ang malaki at pa-arko nitong pinto na gawa sa makapal na kahoy.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon