Chapter 64

1.7K 129 14
                                    

Chapter 64


TITUS


"Ano kaya niyo pa?" natatawang saad ko sa tatlong binata sa aking harapan na habol na ang mga hininga.

Pagkabalik na pagkabalik pa lamang nina Io, Kisumi at Levi sa Akademiya at agad din kaming nagsimula sa aming pagsasanay. Ngayon ay nagagamit ko na ang buong potensyal ng Grimoire ni Milo na hindi inaasahan na matututunan ko kaagad. Ilang buwan na kaming nasa loob ng Grimoire ng Punong Maestro ngunit linggo pa lamang ang lumipas sa tunay na mundo.

Huminga ako ng malalim at itinutok ko ang aking kanang palad sa pwesto ni Kisumi na punong-puno na ng paso ang buong katawan. Kita ko rin ang labis na pagod na nakaguhit sa kanyang nakangising mukha. Kung noon ay tabla lamang kami sa aming pagsasanay sa paggamit ng elemento ng hangin ngunit ngayon ay hindi na.

Ngumiti ako "Sacred Fire..." mahinang basa ko sa salamangka na nakasulat sa Grimoire ni Milo na may apat na ginintuang bituin.

Agad na naglabas ng malakas na bugso ng nagliliyab na apoy ang aking kamay. Dali-daling nagtungo ang malakas na apoy sa pwesto ni Kisumi ngunit bago pa ito tumama sa kanya at mabilis na gumawa si Levi ng isang malaking pader na gawa sa malaking tipak ng bato sa lupa. Mabilis itong gumawa ng malakas na pagsabog.

Kumalat ang makapal na usok sa buong paligid kaya dali-dali kong hinanap ang dulo ng hangin at nakibagay ako rito. Malambot ang galaw ng aking kamay nang mahanap ko ang pinakadulo nito. Agad kong kinontrol ang hangin at mabilis kong itinutok kung nasaan si Kisumi kanina. Isang malakas na bugso ng hangin ang paparating sa kanyang direksyon.

Tuluyan na nawala ang makapal na usok nang daanan ito ng malakas na bugso ng hangin. Doon ko nakita na wala na si Kisumi kung nasaan siya kanina. Pati na rin si Io at Levi ay hindi ko makita. Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako dahil baka bigla nila akong atakihin. Pinakakiramdaman ko ang buong paligid habang kinakalma ang aking sarili.

Napangiwi ako "Hala... Huwag niyo naman ako taguan -----"

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na unti-unting yumayanig ang lupa kinatatayuan ko. Bago pa ako tuluyan na mahilo rito ay ginamit ko ang elemento ng hangin upang makalipad ako sa ere. Doon napansin ko ang napakalaking alon na paparating sa aking direksyon. Lumalagaslas ang malakas na bugso nito.

Bahagyang sumikip ang dibdib ko nang makita ko si Io na tipid na nakangiti sa akin habang nakatayo sa pinakaibabaw ng malaking alon. Tinatangay ng mabilis na hangin ang kanyang mahabang kulay pilak na buhok. Ang kanyang kulay lilang mga mata ay diretso lamang ang tingin sa akin. Kitang-kita ko roon na hindi talaga siya magpapatalo.

"Titus..." saad sa akin ni Io habang papalapit sa akin ang napakaling alon na ginawa niya.

Akmang lilipad pa ako pataas upang hindi ako tamaan ng malaking alon na iyon nang mabilis akong bumagsak sa lupa. Nawala ang hangin na kinokontrol ko upang makalipad ako sa ere. Doon ko nakita ang nakangising mukha ni Kisumi habang nakaupo sa ibabaw ng malaking sanga ng puno sa hindi kalayuan. Ginamit niya elemento ng hangin upang bumagsak ako sa lupa.

Umiling-iling siya "Hindi ba sinabi ko sa sa'yo Baby na malayo-layo pa ang lalakbayin mo. Pinagbigyan lang kita kanina." nakangising pang-aasar niya sa akin habang hinahawi ang kanyang magulong buhok na kulay laman ng salmon.

Ang kanyang mga maliit na mga mata na kasing kulay ng kailaliman ng karagatan ay nakatitig sa aking gagawin. Kitang-kita ko roon ang labis na pagseseryoso kahit na nakaguhit sa kanyang mukha ang malapad na ngisi. Pakiramdam ko ay hindi na niya hahayaan pa ang kanyang sarili na matamaan pa ng mga salamangka na ibabato ko sa kanya.

Grimoire AcademyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin