Chapter 28

3.7K 238 62
                                    

Chapter 28


TITUS


Umigting ang kanyang panga "Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito?"

Napalunok ako ng mariin habang nakakunot ang noo kong pinagmamasdan siya. Amoy na amoy ko sa kanyang hininga at pawis ang alak. Hindi ko alam kung kailan pa siya natutong uminom nito ngunit alam kong nakakaapekto ito sa ginagawa niya ngayon.

Napasinghap ako ng hangin at nakipagtitigan sa kanyang nagbabaga ngunit mapupungay na mga mata. Nangungusap ito kung saan kitang-kita ko ang labis na lungkot sa mga titig niyang ito. Namumula ang mga ito at animo'y namamaga. Ngayon ko lang siyang nakita ng ganito.

Malakas ang kabog ng dibdib ko na para bang lalabas na ang aking puso rito. Bakit ganito pa rin ang kabang ipinaparamdam niya sa akin kapag ganito siya kalapit? Bakit pakiramdam ko naglalakbay sa loob ng tiyan ko ang iba't-ibang uri ng paru-paro? Bakit ganito pa rin ang epekto mo sa akin? Bakit hindi nagbabago?

Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kanyang mamula-mula at namamasang mga labi. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kanyang mahahabang pilik mata at ang kanyang kilay na may kakapalan. Muli kong nasaksihan ang pag-igting ng kanyang panga.

Ilang sandali pa ay mas lalong nagharumentado ang aking dibdib nang hawakan niya ang aking baba at bahagyang iniangat upang itinapat ito sa kanyang mukha dahil na rin sa kanyang katangkaran. Mabilis na kumalat ang kakaibang kuryente sa aking kalamanan mula sa marahan niyang paghawak sa akin.

"M-milo..." mahina at halos napapaos na saad ko sa kanya.

Unti-unti siyang pumikit at dahan-dahan na inilapit ang kanyang mukha sa akin. Para akong mawawalan ng ulirat dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha na halos ang tungki ng aming mga ilong ay nagtatagpo niya. Mas lalo kong naamoy ang alak na ininom niya na mukhang napakatamis at napakabango.

Ano bang dahilan mo kung bakit mo ako pinapaasan ng ganito? Alam mo bang tatlong taon akong nagtiis na mahagkan at mahalikan kang muli? Alam mo bang tatlong taon akong nangulila sa pangangalaga mo? Alam mo bang halos masiraan ako ng ulo kakahintay sa pagkakabalik mo?

Nag-uumapaw ang emosyon sa dibdib ko. Punong-puno ito ng labis na kaba at tanong. Masaya ako dahil araw-araw kitang nakikita sa buhay ko. Malungkot ako dahil itinapon mo ang ilang taon natin pagsasama. Galit ako dahil sa lahat ng kawalang-hiyaan na ginawa mo sa akin.

Ngunit isang emosyon ang mas nangingibabaw. Ang labis kong pagmamahal sa'yo. Kaya kong tiisin ang lahat ng sakit para lang sa'yo. Handa akong sulungin ang lahat ng gyerang makakasalubong ko. Kailanman hindi nagbago ang nararamdaman ko sa'yo dahil ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at wala pang isang segundo nang maramdaman ko ang mainit niyang labi na tumama sa akin. Sa paghalik niyang iyon ay marahas na bumuhos ang luha ko. Ibang-iba ang halik niyang ito. Napakamalumanay at alam kong punong-puno ng labis na pagmamahal.

"Titus Alexius..." mahinang bulong niya nang humiwalay ang labi namin sa isa't-isa.

Mas lalong bumuhos ang mainit kong luha nang banggitin niya ang pangalan ko. Ramdam na ramdam ko ang labis na panlalambot ng paa't binti ko ngunit mabuti na lang ay agad akong hinapit ni Milo ang aking bewang upang hindi ako mawalan ng balanse. Muli niyang inilapat ang kanyang labi sa akin.

Napakamalumanay ng kanyang pagkakahalik sa akin. Ito ang halik na lagi niyang ginagawa noon. Ang halik na punong-puno ng pagmamahal na labis na inaasam-asam ko. Ito ang halik na ipinaramdam niya sa akin noon. Ang halik na nakasanayan ko. Ang kanyang labi na nakatala sa puso ko.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now