Chapter 10

4.6K 288 21
                                    

Chapter 10


TITUS


"Ano? Ki-su-mi? -----" napahinto na lamang ako sa aking pagsasalita nang lumapat sa aking labi sa kanyang manipis na labi na may kakaibang lasa. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa ginawa niya.

Napahawak ako sa aking mga labi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Bakit niya ginawa iyon?

"B-bakit mo ako hinalikan?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Hindi naman siya sumagot at ngumisi lamang sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa ginawa niya. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Isang tao lang ang nangmamay-ari ng mga labi ko.

"Binanggit mo kasi ang buong pangalan ko." nakangising sagot.

Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Hindi ako nakasagot kaagad dahil para akong hinihigop ng kanyang kulay asul na mga mata na sing lalim ng karagatan. Bumaba ang tingin ko sa kanyang maliit at matangos na ilong. Manipis ang kanyang namumulang labi na akma sa kaputian ng kanyang mukha. Napalunok naman ako ng mariin ng titigan ang magandang hugis ng kanyang panga.

"Ahhh...." hindi makapaniwalang saad ko habang nakalapat pa rin ang aking palad sa mga labi ko.

Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo sa malaking ugat ng puno at pinagpag ang mga nakadikit na dahon sa kanyang suot na itim na roba. Bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo kung saan makikita ang kanyang maputi at matipunong dibdib. May katangkaran din siya at maayos ang kanyang dibdib.

Agad naman niyang inayos ang kanyang grimoire na nakasabit sa kaliwang bahagi ng kanyang hita. Ang kanyang gimoire ay kulay berde na hinaulan ng dilaw at mayroon itong apat na bituin sa magkabilang kanto ng pabalat. May magandan disenyo rin ang nakaguhit sa pinakagitna.

"Mukhang natulala ka ata sa angking kong kagwapuhan? Una na ako, may kailangan pa pala akong gawin. Patay nanaman ako kay Maestro nito." nakangising sabi niya at bigla akong kinindatan.

Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil hindi pa rin mawala sa akin isipan ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina. Pakiramdam ko nagtaksil ako sa taong pinaglalaanan ko nito. Gustuhin ko man magalit pero hindi ko magawa, para bang nagustuhan ko rin.

Titus! Mahiya ka nga! Kung anu-ano 'yang pumapasok sa isipan mo.

"Kita na lang tayo sa loob kapag nakapasa ka na. Babesu-chan." dagdag pa niya ngunit hindi na ako nilingon pa.

Ilang sandali pa ay na nabalot ang buong paligid ng kalakasang hangin. Bahagyang nagsayawan sa buong paligid ang mga tuyong dahon sa lupa habang ang mga sanga ng malaking punong kinauupan ko ay gumagalaw din. Para bang ang hangin sa buong paligid ay naiipon sa iisang direksyon.

Agad kong nilingon si Kisumi, nababalutan ng umiikot na hangin ang buong katawan niya. Makalipas lamang ng ilang segundo unti-unting nawawala at naglalaho ang katawan nito, para bang dinala siya ng hangin patungo sa ibang lugar. Huminga ako ng malalim habang nakangangang pinagmamasdan ang paligid. Wala na si Kisumi, ngunit hindi ko maiwasang humanga sa kanyang ginawa.

Uminom na lang ako ng tubig mula sa sisidlan na ibinigay niya. Mabilis kong tinanaw ang mga estudyante mukhang humupa na ang pagsisiksikan. Kaya kailangan ko nang pinakagitna bahagi ng Akademiya dahil doon gaganapin ang paunang-pagsusulit.

Pinapila lamang kami at pinabunot ng mga numero mula sa isang papel, isa-isang tatawagin ang mga numero at iyon ang mga sasabak sa paunang-pagsusulit. Wala pa akong ideya sa kung anong gagawin, mabuti na lang at pangwalongpu't-siyam pa pa ako. Mapapanood ko pa kung anu-ano ang gagawin ng mga unang kalahok.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now